"Tamang-tama Jaemi dali sali ka!"
Yayang salubong sakin ni Margareth. Galing ako sa Library at hinihila ako ngayon ni Margareth papunta sa gitna ng room na may dalawang upuan na magkaharap nasa magkabilang gilid ang mga kaklase ko na may tinatagong ngiti sa mga labi
"Upo ka dali"
Pilit nya akong pinapaupo. Anong problema nitong babaeng to? Pati mga kaklase ko parang mga ewan ano kayang na singhot nila?
"Problema nyo?"
"Pinoy Henyo tayo!"
Pinoy Henyo? Teka mga naka singhot nga sila! Mga baliw!
"Sandali nga!"
Hindi ko na napigilang sumigaw nakaka bad trip na sila tatayo sana ako pero pinigilan nila ako at hinawakan pa ako sa balikat at pilit na pinapaupo
"Psst!"
Napalingon ako dun sa lapastangang sumitsit sakin. Isang pagkakamali ang lumingon na kita ko lang naman ang muka ng lalakeng kinamuminghian ko ang mortal kong kaaway.
Inirapan ko ito pero ngumiti lang na parang aso ang kumag. Nilibot ko ang tingin sa classroom pinagmasdan ko ang mga kaklase ko lahat sila naka ngiti ng parang ewan sakin. Confirmed!
"Ano na namang kalokohan ito Jude?"
Matagal na akong asar sa lalaking yan pero ngayon kampante lang itong nakaupo sa upuan sa tapat ko
"Manliligaw ako Jaemi hindi ito isang kalokohan"
"Wag ako Jude! Wag ako!"
Malakas na may pag ka sarkastikong sabi ko sa kanya pero hindi sigaw. Ngumiti lang ulit sya sakin yung ngiting ayaw na ayaw ko dahil yun ang dahilang ng pagiging abnormal ng puso ko bumibilis ang tibok at hindi ako maka hinga ng maayos at na papatulala ako sa kanya
"Mag simula na tayo"
"Walang TAYO"
Sabay ngiti ng na kakaloko sa kanya
"Walang TAYO sa NGAYON"
Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi nya lagi nalang akong talo sa kumag na yan ang daming sagot sa lahat ng tanong at sasabihin ko
Lumapit yung kaibigan ni Jude na si Julius Miguel a.k.a JM at may idinikit sa noo nito. Napataas ang kilay ko sa mga pinaggagawa nila ano nanamang kalokohan ito? Psh! Oo nga pala mag Pi-pinoy Henyo daw kami
"Ikaw ang manghuhula? Walang bunutan?"
"Bumunot na ako kanina at ako ang manghuhula"
Sagot niya habang naka harang parin si JM at busy sa pag didikit ng kung ano
"Sabi ko nga"
Asar na sagot ko sa kaniya. Babawi talaga ako sa iyong Judong ka! Judong ang pagasar ko sa kanya. Umalis na si JM sa harap ni Jude kaya nakita ko na kung ano yung naka sulat sa sticky note at nalaglag yata ang panga ko sa nabasa ko Jaemi yan ang nakasulat sa Sticky Note na nakadikit sa noo nito
Mas lumapad ang ngiting aso ni Judong. Nag sitawanan naman ang mga kaklase ko. Bwisit!
"Game!"
Sigaw ni Harvey at Penelope Aba! Pati barkada ko kasali sa kalokohang ito!? Pero hindi ko sila pinansin naka titig lang ako kay Judong/Jude
"Hindi mo na ako kaylangang titigan Piyeng alam kong GWAPO ako"
Aba! Ang hangin din nitong Judong nato! At anong tawag niya sakin kanina 'Piyeng?' Aba! Hindi na ito pwede! Pano nya nalaman ang nickname ko? Stalker siguro yang Judong na yan ang damin alam tungkol sakin. Hmp!