"Hi. Kamusta ka na?"
Halos malaglag ang puso ko ng ito'y mabasa ko sa messenger ko. Galing sa taong walong taon na hindi nagparamdam na pumatay sa puso ko. Nagdulot ng kamalasan sa buhay ko, sumira ng pagkatao ko, at dahilan kung bakit naging bato na itong puso ko.
Ano nga ba ang tamang gawin, di ako sigurado kung okay na ba talaga ko, kung nakamove on na ba ko?, kung napatawad ko na ba siya o tamang patawarin siya kahit di ko pa naririnig yung tamang salita, ito na ba yung tamang oras para matapos na lahat, yung closure na dati ko pa ding nais sa hilingin sa kanya. Pero tama ba nga bang kausapin siya, naisip ko baka ito na pagkakataon ko para maiparamdam sa kanya yung pakiramdam na naghihintay ka ng mga sagot. Ano din kayang dahilan niya bakit, bakit pagkalipas ng walong taon ngayon lang, ngayon lang siya nagparamdam.....
Ano nga ba?

YOU ARE READING
PINAGTAGPO NGUNIT DI NAKALAAN
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa dalawang taong pinagtagpo ng tadhana, ngunit hindi itinakda ni bathala. Ipaglalaban, di susukuan.. Ang pagmamahalang wagas na di mapapantayan. Sa paglipas ng panahon kaya'y matatagpuan, ang mga pusong nawala, ang mali...