CHAPTER 8

824 40 0
                                    

STELLA'S POINT OF VIEW

Oh my goodness! I'm super excited na makasama ulit si Ethan kahit na itinataboy niya ako palayo. But who cares? I'm Stella and no one can stop me.

Matagal na akong may gusto kay Ethan pero kahit anong gawin ko, hindi niya pa rin ako kayang pansinin o kahit iappreciate niya man lang ang mga effort ko para sa kanya hindi niya magawa! Bakit sa t'wing ngingitian ko s'ya parang hindi niya ako nakikita? Sa t'wing tatawagin ko naman s'ya, nilalagpasan niya lang ako. Hangin lang ba talaga ako para sa kanya?!

"Guys have you already heard?"

"Ang alin?"

"Si Ethan may kasamang babae!"

"And?"

"Guys, ano ba naman kayo! Hello, si Ethan may kasamang babae and super sweet nila!"

"Wa-it...what?! Oh no,no Halley, you gotta be kidding me!"

"At saan mo naman nasagap 'yang balitang 'yan?!"

"Edi s'yempre sa mga schoolmates lang rin natin. Ano ba naman kayo, lagi akong updated sa mga chismiss no!"

Argh, this can't be! Inis akong lumapit sa mga babae at bakas sa kanilang mukha ang pagkagulat.

"Ulitin mo nga 'yung sinabi mo." Utos ko.

"A-Ah kasi k-kalat sa buong campus na may kasamang ibang b-babae si E-Ethan." Nabubulol na sabi niya.

Nakakainis! Pakiramdam ko tuloy, lahat ng dugo ko ay umakyat papunta sa ulo ko. Ayoko namang may kasamang ibang babae si Ethan. He's mine and no one can take him away from me!

'Kahit niya ako girlfriend...'

Mabilis akong nakarating sa building nila at agad na nagtungo sa room ni Ethan. Wala pa man akong tinatanong ay sinabi na nila sa akin na umalis ito kasama ang babaeng transferee.

Nagpunta ako sa library pero wala siya.

Sa canteen, wala rin.

Garden, wala.

Sa tambayan nila, wala rin...

Lahat ng mga pwede niyang puntahan, pinuntahan ko na pero wala pa rin si Ethan! Hindi ko s'ya mahanap!

"Transferee pero nagawa niya ng lapitan si Ethan."

"Yeah right, ang sweet pa nga nila."

"No way! Akin lang si Ethan ko!!!"

"Akala ko ba kay Clyde ka?!"

"Y-Yah but---“

"There's no buts, Reyah!"

Kung makipag-agawan parang sa kanila ah?!

Marami na akong naririnig at hindi ko na kaya pang palampasin pa 'to! Nilampasan ko ang mga nagkumkumpulan na mga studyante at nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa nakarating ako sa parking lot ng University.

Nakita kong inilapit ni Ethan ang mukha niya sa babae at ilang sandali pa'y itinulak s'ya nito para magkalayo ang kanilang mga mukha.

'Ha! Hindi mo pa nga ako nagiging girlfriend, may ipinalit ka na agad sa akin?!'

Inlove with the Campus Heartthrob  (On-Going)Where stories live. Discover now