Share Ko Lang

33 0 0
                                    

Sa totoo lang, itong gawa ko na 'to, Project namin sa school. Minsan kasi ayoko ng pinoportray yung gawa ng ibang tao unless "Kaya" kong bigyan ng hustisya ung mga gawa nila, kaya ang ending? Gumawa ako ng sarili kong monologue na nagustohan naman ng prof ko, actually may video 'to kaso di ko na ilalagay dito ㄱㄱㄱㄱ! 😂😁

So? I hope magustohan niyo po ang monologue na ginawa ko then sundan nyo na din po sa iba pang libro na isusunod ko 😊

Enjoy! #MonologueKuno

----------------------------

Andito ako nag-iisa.
Wang ibang kasama kundi papel at panulat.
Nagmumuni-muni, baka sakaling makaisip ng temang maisusulat.
Ang hirap kasing mag-isip lalo na kung tanging ikaw ung tumatakbo sa isipan ko.

Hindi ka ba napapagod?
Ay! Mali pala!
Hindi pa ba ko sawang isipin ka?
Hindi pa ba ko pagod na umasang babalik ka pa?
Na sa tuwing naiisip ka, pinaniniwala ko palagi ang sarili kong andyan ka pa.
Pinaniniwala ko ang sariling maibabalik pa pero? Isa na lamang himala ang bumalik ka at buoin natin ang mga bawat pangarap na iniwan mo. Iniwan mo saking nakatengga.

Naalala ko,magkikita tayo nun sa parke. Sabi mo kasi gusto mo ng simpleng date, yung tatambay sa simpleng park at magfofoodtrip ng pagkaing kalye.

Andun ako,dumating. Hinihintay na lang ang pagdating mo. Naghihintay ako, maghihintay at maghihintay kahit sobrang naiinip na, pinanghahawakan ko kasi ung mga sinabi mong darating ka.

Pero? Anong oras na? Palubog na ang araw ni kahit tawag,text o chat man lang wala-- walang dumating na ikaw-- ni kahit anino mo di ko nasilayan.

Hanggang sa,

" oh? Hello? Asan ka na? Kanina pa ko dito "

Hindi ka kaagad nakapagsalita...

" hello? Mahal? Bat di ka nagsasalita? "

Wala parin akong narinig mula sayo...

" uy! Hello? Ano ba yan? Kausapin mo kaya ako? "

At doo'y sumagot ka na, pero ang pinagtataka ko- hindi mo boses ang narinig ko.

" oh? Daniel? Bat ikaw ang may hawak ng phone ni kuya mo? Nasan ba sya? Pakisabi andito ko kanina p-"

Hindi na ko pinatapos pang makapagsalita ni Daniel, Noo'y napatahimik ako sa narinig, Ni hindi ko alam ang dapat unang maramdaman. Napaupo ako't hindi parin makapaniwala.
Hindi ko aakalaing, nasa kalagitnaan palang tayo ng ating storya-tinapos mo na.

Tatlong buwan na ang nakakaraan ngunit tila sariwa parin ang mga alaala na sadyang natapos ng di inaasahan. Natapos na lang tayo ng walang sapat na dahilan, Natapos ng biglaan at ang masakit? Walang salitang paalam.

At ngayong naisulat ko na ang parteng ito ng buhay ko, muli akong magsisimula ng bago gaya ng naipangako...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

" Pangako "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon