Chapter One

7 1 0
                                    

"Hi. Newbie?" a girl suddenly walk towards me at inabot ang kamay sakin. An inoccent smile was form into her lips na parang nakasanayan na nya. Nakalahad parin ang maputi at mukhang makinis nyang, parang naghihintay syang gagawin ko ang pagshe-shake hands sa kanya. But na, I don't easily trust anyone lalo na't maraming nagmamatyag sakin sa school nato.

"Hey." dahan-dahan nyang binaba ang kamay at ngumuso. "I just want to be friendly with you dahil parang newbie ka talaga. Saan school ka galing?" nung tumayo ako para iwan sya sa bench na kinauupuan ko ay sumundo sya sakin sa paglalakad.

Tumaas ang gilid ng labi ko at nagkibit balikat. Pag sasabihin ko sa babaeng to kung saan ako galing, magsisisi sya kung bakit nya ako nilapitan. Naiinis ako sa kanya dahil kahit anong pag-irap at pagsusungit ang ginawa ko sa kanya ay nanatili parin sya sa tabi ko. Ang daldal nya, gusto ko syang patahimikin at bulyawan para tumigil pero hindi umepekto sa kanya.

Parang hindi nya alam ang salitang 'tahimik'. Hanggang sa first class namin ay putak parin sya ng putak. Malas nga lang talaga dahil magkaklase kami sa lahat ng subject. May plano akong mag-ditch ng class kanina dahil hindi naman ako pumunta dito para mag-aral, nandito ako dahil nagtatago ako.

Iniba ko ang sarili para hindi nila malaman na ako si Amber Montebello. I cutted my hair yesterday. I also change my style. Gangster look into nerdy look, wtf! Tinadtad ko rin ng make-up ang mukha ko para lang hindi ako mapansin ng mga taong humahabol sakin. Nilagyan ko ng nunal ang gilid ng labi ko, samantalang ang totoong nunal ko talaga sa gitna ng ilong ay tinabunan ko ng make-up.

I'm wearing a cheap eye glasses na nadampot ko kanina sa bus papunta rito. At dahil para magmukha talaga akong pangit at pulubi sa mga taong makakasalamuha ko sa bagong school, bumili ako ng damit sa ukay-ukay. Tsk. Gross. Hindi ko ginusto to. Hindi ko alam kung bakit nagtatago ako, pero I want a normal life kaya siguro ako umalis sa Artemis University.

It's an elite school. Maraming siga, pero hindi tiga-tiga ang mukha. Maraming mayabang, magaganda, mayayaman, matatalino. Though may mga dukha ring nakapasok doon dahil sa scholarship na binigay. At nandoon ang kuya ko, kuya ko na sumali sa paghahanap sakin.

"Wow! Ang deep ng iniisip mo ngayon, girl. Hindi ako maka-ahon. " natatawang usal ng babae. I forgot her name. Kaka-introduce lang nya kanina sa classroom pero hindi ko na matandaan dahil andaming gumugulo sa isipan ko. Umismid lang ako at nilantakan ang inorder kong Carbonara.

"Saan ka ba kasi galing? Nagtataka ako kasi ngayon lang ako nakakita ng babaeng kasing ganda ni Maria Makiling. " pagdadaldal nya habang may mga pagkain pang nakapasok sa bibig nya.

But, wait, what? Who the hell is Maria Makiling?

Nangunot ang noo ko at umiiling-iling nalang keysa sayangin ang hangin ko sa pagsasalita sa kanya. Ngumuso sya, gaya ng palaging ginagawa nya. Pero shit. Nag change na nga ako into a nerd, maganda parin ako sa paningin nya. I flip my hair because of frustration. 

Ang init-init rin ng cafeteria nila. Wala silang aircon, gumagamit lang sila ng eletricfan na kinakalawang. But I will used to it. Masasanay naman siguro ako. Well, sana nga magtagal ako dito. Dahil mukhang kumakalat na sa lugar na tinapakan ko ang mga man in black sa Artemis University. They will never stop until they find me.

"Ang lamig ng tingin mo, Amber. " she laughs.

Natigilan ako at ngumisi. Wow. Alam nya ang pangalan ko dahil sa pag-introduce yourself na kahibangan ng teacher kanina, samantalang ako ay ni hindi man lang talaga naalala ang unang letter ng name nya. Great, Amber.

"Tumigil ka sa kakabuntot sakin kung nilalamigan ka sa mata ko. " walang emosyon na usal ko habang nakayuko at nilalantakan parin ang pagkain. Ayokong makita ang tingin nyang nasasaktan o nalulungkot dahil sa pagtataboy ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Artemis UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon