Simula

27 1 0
                                    

Nalalamukan na ako sa kakahintay sa kanya. Mga ilang oras na din kasi akong nandito.

Alas sais y medya na ng hapon at nandito parin ako sa bench naka upo malapit sa mga damuhan para hindi niya ako masyadong makita kapag dumaan siya. Certified stalker ako ni Matheo Reign Blanca. Isa sa mga sikat na lalaki dito sa school.

Marami ang humahanga sa kanya dahil sa taglay nyang ka gwapohan. Magaling din siya sa mga sports, tulad nalang ng chess billiard at hinding Hindi mawawala ang basketball. At dagdagan mo pa na matalino siya.

Diba perfect na perfect 😍😍

Maraming nagakakandarapa na mga babae sa kanya at isa na ako dyan.

Malayo palang tanaw ko na sya mula dito sa kinaroroonan ko. Medyo malayo kasi sa room nila ang pwesto ko ngayon.

Tapos na kasi ang klase namin kaya inaabangan ko siya. Naglalakad siya habang ang mga kamay niya ay nakalagay sa bulsa ng kanyang pants.

Nang nakita ko na siyang papalapit eh agad akong nagtago sa damuhan na sa gilid lang ng bench kung saan ako naka upo kanina.

Bigla siyang huminto sa mismong tapat ko. Alam ko naman na hindi masyadong makapal tong halaman na tinataguan ko at hindi pa masyadong madilim dito sa part kung saan ako tumatago.

Bigla niyang tinagilid ang ulo na sa banda ko. Kaya napapikit ako.

Huhuhuhu patay ako neto sana hindi niya ako makita . Jusko lord tulumungan Mo ako.

Narinig ko syang nag smirk. Kaya medyo binuksan ko yung mata at. .

O_O nandito na siya sa harap ko.

"Masyado kang obvious. Magtago ka nga lang andyan pa sa payat na halaman. Tsk"

Wala akong nagawa kaya tumayo ako nang dahan dahan at nahihiyang napa smile

"Ah ehh. Kanina ka pa dyan? "

Tanong ko sakanya.

"Ikaw kanina ka pa dyan?" Tanong niya sakin pabalik kaya bahagya akong natawa "hahahah " tawang pilit hehehe.

"Hmm hindi naman masyado. May nakita kasi akong ipis kanina kaya hinabol ko. Kaso na-w-wala e." pagpapaliwanag ko sakanya sabay smile ng malapad. Huhuhub sana maniwala siya

"Tsk. Umiwi ka na at ang dami mo nang kagat ng lamok. Kung ayaw among magka dengue eh umalis ka na dyan pinag pyepyestahan ka na ng lamok. " sabay iling at nag lakad na paalis.

Kaya bahagya kong tiningnan yung binti ko at siko eh meron ngang kagat ng lamok. Napahiya ulit ako sa harap niya. Huhuhuhu ikaw kasi Tanya eh di ka nag iingat ayan tuloy na buking ka.

Tumakbo ako para habulin siya. At ng malapit na ako ay inabot ko yung ibabang parte nang damit niya. Habang hinihingal inayos ko parin ang sarili ko nung humarap siya sa akin. Medyo na iinis ang ekspresyong pinakita niya sa akin. Hahah di na ako na sanay .

"What?!" Iritadong tanong niya sakin. "Hehehe..Mat sabay na tayong umuwi" sabi ko sabay pa cute sa kanya.
"Excuse me. Ano ba pwede bang tantanan mo na ako! " sabay palayo niya kunti sakin. "Nakakasawa na huh. Habol ka nalang ng habol sakin. At pwede ba! Wag mo akong sundan nag mumukha kang weirdo!" Sabi niya sakin sabay lakad paalis.

Napa buntong hininga na lamang ako habang tinatanaw ko siyang naglalakad pa palayo. Hindi ko maiwasang ngumiti nang mapait dahil sa pag sigaw niya sa akin. Hindi ko din alam kung bakit palagi niya akong ginaganito tinataboy, sinisigawan, pinag sasabihan ng masama at kung ano-ano pa.

AFTER ALLWhere stories live. Discover now