I'm stuck. Hindi ko magalaw ang aking mga paa. Its been how many weeks? Nakalimutan ko na. Pagkatapos kasi ng pangyayaring iyon hindi na kami pa nagkita. Hindi na din nagtagpo ang landas namin.
Tapos ngayon andito siya. I miss him so much. I miss his stares. I miss his voice. Lahat sa kanya na miss ko.
His intense eyes bore into mine. Hindi ako makaiwas ng tingin. Nagkatitigan kaming dalawa. I want to hug him and say how much I miss him. Ngunit hindi naman iyon tama. Sa tingin ko kasi hanggangg ngayon galit parin siya sa akin sa nangyari. Ramdam ko ito kung paano siya tumitig.
Nawala ang titigan namin dahil sa pag lapit ng iba pang mga lalaki sa mesa ganun din si Jake.
"Mabuti't nakapunta ka Blanca, akala ko indianin mo itong imbitasyon ko." They made some hand gestures. Hindi ko alam ang tawag dun, its like a sign of greeting and welcoming each other.
Lumingon ako sa side kung saan ang best friend ko. She look stunned, kaya nilapitan ko.
"Hey, you okay?" I ask. Hindi parin siya gumagalaw. Ano bang nangyari sakanya?
Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Napapikit ako. Oo alam kong habulin talaga siya ng mga babae, kaya hindi na ako magtaka pa kung pati kaibigan ko ay magkakagusto sa kanya.
Tinabig ko si Jam, doon lang ata siya bumalik sa riyalidad. Nakikita ko sa kanyang mga mata kung gaano siya kasaya. Namumula din ang kanyang mga pisngi. Ganun na ganun ako kapag nakikita o nakakasama ko siya. Lahat siguro ng mga babae ganyan ang reaction kapag nakita ang isang Matheo Reign Blanca.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso. Nanginginig din ito. Gusto kong sabihin sa kanya na siya ang lalaking tinutukoy ko sa aking mga kwento. Na siya ang taong dahilan kaya ako bumalik dito sa pinas, upang itama at sabihin sa kanya ang lahat ng dahilan kaya ako umalis ng walang paalam.
Hindi ko namalayan na may namumuo na palang mga luha sa mata ko at ilang minuto nalang babagsak na ito.
Ginawa ko ang lahat upang pigilan ang nagbabadya kong luha.
"Oh my god Aya! I can't believe na meron palang nag e-exist na nilalang na katulad niya. Si kuya talaga hindi niya sinabi na may pupunta palang isang Adonis. Edi sana nakapag prepare ako. Shit lang."
Inayos niya ang kanyang buhok at nilagay ang mga takas nito sa likod ng kanyang tenga. I can't believe, my Best friend is in love. Gusto kong maging masaya sa kanya but in the other hand, nasasaktan ako. Hindi sakanya, kundi para sa sarili ko.
Gusto ko mang sabihin sa kanya ngayon ang lahat, ngunit natatakot ako sa posibling magiging kalalabasan.
Natatakot akong pati dito itanggi niya ako. Natatakot akong mas magalit pa siya kapag sabihin ko kung anong namamagitan sa amin. Natatakot akong masaktan ng paulit-ulit. Ngunit alam ko namang ako lang itong nagpapatuloy, ako lang iyong nagbabakasakali, ako lang itong umaasa sa aming dalawa.
Tatalikod na sana ako pero bigla nalang akong hinatak ni Jam. Ayaw ko sanang sumama sa kanya, ngunit wala na talaga akong nagawa.
Habang papalapit kami ng papalapit. Palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib.
And I just found my self standing in front of him.
" Kuya pakilala mo naman kami ni Aya sa friend mo." Sabi niya habang hawak hawak ako sa aking kamay at pinipisil niya ito. Tiningnan ko ang aking kaibigang para ng kamatis sa sobrang pula ng kanyang pisngi.
Tumabi si Jake sa amin at ipinakilala niya kami sa lalaking nasa harap namin.
"Blanca, this is my sister Jamielle Hershey." Sabay turo sa kanyang kapatid. " Please be good to her." Dagdag pa nito na may kasamang halakhak.