Alamat ng Kuto

476 23 57
                                    

Otor's Note 1: Magvote at mag comment sa posting kong istori. Kapag hindi mag-vote, ikaw magiging tao na tinubuan ng kuto.

Otor's Note 2: Kapag nag vote kayo, kayo ay magkakaroon ng 7years of good health 😎

Otor's Note 3: Wag nyong babaligtarin ang mga pangalan sa kwento. Ganyan talaga ang mga yan.

Otor's Note 4: Yung book cover ko, gawa ni Deeonisia. Nimessage niya ako. Sapilitan pa nga ehh sabi nia i-mention ko naman daw sia dito kasi siya naggawa ng BC ko. Buset yan eh. Kaya hello cold_deee ... ayan na, natupad na ang pangarap mo na mapansin ng gaya kong eksperto ang isang katulad mo. Mag tenkyu ka naman dian! 😎

——

Noong unang panahon, sa baryo Madkuyo ay naninirahan ang mga madlang people. Mababait ang mga taga baryo, masisipag ang mga lalaki at masunurin naman ang mga babae, Ang bawat isa ay masayang naninirahan sa baryo Madkuyo, nagtutulungan ang bawat isa at lahat sila ay nagmamahalan... Pero walang malisya ang pagmamahalan nila doon hah? Anyway....

Sagana sila sa mga pananim sapagkat malawak ang taniman nila sa bukid kung kaya marami silang naaani. Maraming punong kahoy na hitik na hitik sa mga bunga katulad ng saging, duhat, kaymito, mangga at kung anu anu pang bungang kahoy, isama mo na rin ang bungang araw. Bukod doon ay marami ding mga kapatagan sa baryo Madkuyo... Mga flat kasi ang mga babae noong unang panahon. Wala pang Dra Vicky Morales at Hayden Cam noong panahon na yun.

May mga batis, lawa at ilog din doon kung kaya marami silang nakukuhang mga isdang tabang at mga butete na kanilang pinagsasalu saluhan kapag nakapangisda at nakapagbutete na ang ilang kalalakihan.

Tatlong beses silang kumakain sa isang araw at kung minsan ay may midnight snack pa ang mga taga baryo Madkuyo.

Tahimik na sana ang pamumuhay ng mga taga baryo Madkuyo kung hindi lamang sa isang tao na nagngangalang Nyetapun...

Si Nyetapun ay mahilig manghimasok sa buhay ng may buhay. Basag ulo ito, drug adik sapagkat mahilig suminghot ng mga acetone at mertiolet na pinanglilinis ng kuko ng mga kababaihan sa pangmamanicure at pangpepedicure. Bukod doon ay mahilig itong manggulo, mag inom ng alak, chismoso, mang away ng mga batang walang kalaban laban, manira ng pananim at saka manghingi ng mga pagkain. Parasite kung siya ang tawagin ng mga taga baryo sapagkat dinaig pa nito si Juan Tamad sa katamaran at naghihintay nalang ng ibibigay sa kanyang mga pagkain. Kung minsan ay nagrerequest pa ito ng Kordon Blue, italian tuna pasta, grilled cheese with tomato, omelette with morcilla at maxs chicken kaya naman asar na asar sa kanya ang mga taga baryo.

"O ayan!! Tagay mo paaaaaa..Hik!" sabi ni Nyetapun sa kanyang mga kasama habang sinasalinan nito ang maliit na baso ng ginawa niang lambanog. Wala silang Red Horse o matador sapagkat hindi ito uso sa kanilang baryo. Tanging lambanog lang ang tinitira ng mga ito, mga pinaghalo halong dahon ng ipil ipil, gumamela, dahon ng sampalok, balat ng saging ang inihahalo nila sa bote na may tubig at saka ito papatuluan ng ihi ng palaka na nakikita nila sa bukid kung kaya't safe naman ito.

Agad namang kinuha ng mamang payatot ang ibinigay sa kanyang tagay at sunod sunod itong nilagok.

"Lashing na ako...." Sabi nito habang umiikot na ang mga mata.

"Sige pa... Tagay mo pa...." pamimilit pa ni Nyetapun sa mamang payatot.

"Nyetapun...Hik... Ampogi ko d-diba? Look! M-may maskels ako.. M-macho!!" Pagyayabang ng mamang payatot sa harapan ni Nyetapun habang pinapakita nito ang braso na wala namang muscles kundi puro buto na binalutan lang ng balat.

Napatawa si Nyetapun sa sinabing iyong ng mamang payatot at sinabi nitong "Hindi ka macho....Hik!! Muka kang nitso! Hahahahaha" sabi nito habang hawak pa ang tiyan sa katatawa.

Asar na asar ang lalaking payatot na kainuman ni Nyetapun kung kaya't iniwanan na niya itong umiinom doon mag isa. Sadyang napakamasama na talaga ng ugali si Nyetapun at wala ng ka-pag a-pag asa sa buhay.

Bukod pa doon ay kinaiisan siya sapagkat masyado itong sipsip sa namumuno ng baryo Madkuyo na si pinunong Tou-Tou. Kapag may nakikitang nakikipagchismisan si Nyetapun ay palagi itong nakikinig sa mga chismax at agad naman niya itong sinasabi kay Tou-Tou. Minsan ay sinasabi nito na narinig daw niya sa mga kababaryo nia na pinagtatawanan si Tou-Tou sapagkat maliit daw......Maliit ang katawan niya at muka daw itong tipaklong na totoo naman talaga. Pinalampas ni Tou-Tou ang chismax na iyon ni Nyetapun. Subalit makailang araw ay nagpunta na naman si Nyetapun kay Tou-Tou upang ipaalam na nagbabalak daw magstrike ang mga taga baryo Madkuyo upang siya ay mapatalsik na sa puwesto. Magpipeople power daw ang mga taga baryo na labis na ikinabahala ni Tou-Tou. Kung kaya't ipinaalam niya sa mga madlang people na kung sino man ang sasali sa stike ay paparusahan at magmumulta ng dalawang binabaeng kalabaw.

Ngunit sumagot ang madlang people at ang sabi nila "Hindi totoo yan!! Kung sinoman ang nagpakalat ng chismax at mga chukchak chenes na yan ay napakamasinungaling niyang nilalang! Dapat na siya ay maparusahan upang hindi na dumami ang mga gaya nia!"

Narinig naman ng isang engkanto ang kahilingan ng madlang people. Ang engkanto ay si Eba na siyang engkanto at bathala ng mga diapers sa baryo. Nagdidisguise lamang pala ito sa pagiging askal at bigla itong nagtransform ng pagiging tao at nagwika siya, "Wag kayong mabahala madlang people. Ang mga kagaya ni Nyetapun ay dapat na maparusahan. Siya ay liliit na parang insekto at mangingitim ang kulay sapagkat sisipsip siya ng dugo at kasusuklaman ng kahit na sino."

At sa isang iglap lang ay biglang nagbago ang anyo ni Nyetapun at naging parang insekto ito na pagkaliit liit. At bago pa ito makapagsalita ay bigla itong dumapo sa ulo ni Tou-Tou at sumipsip ng sumipsip ng dugo.

Nangati ang ulo ni Tou-Tou kung kaya't kinamot niya ang kanyang ulo at sa pagkamot niyang iyon ay biglang sumabit sa kuko nia si Nyetapun na ngayon ay isa ng maliit na insekto.

Nagsilapitan ang mga taga baryo Madkuyo at tiningnan nila ang maliit na insekto sa kuko ni Tou-Tou. At isa sa kanila ang nagwika ng "Ay.....Kyut oh... Kyut oh!"

Narinig naman ito ng iba pang taga baryo at nagtanong si Oliver "Ano daw yung tawag nila sa maliit na insekto sa ulo ni Tou-Tou?" Sumagot naman si Francia ng "Ewan ko. Pero sabi nila "kyut oh...kyut oh."

At magmula nga noon, ang insektong maliit na palagi nalang nakadapo at sumisipsip ng dugo sa ulo ng tao ay tinawag nilang "Kyut oh"

At ng tumagal ito ay naging "KUTO!" 😎

WAKAS

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alamat ng Kuto (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon