Lachrymose
"Paniguradong fafa yan." Sabi ni Ate Autumn at humigop sa kanyang kape. Napailing-iling na lang ako. Eh, hindi ko nga alam kung sino ‘yong pinili ng mga ugok, eh.
Bukas ko na siya makikita...Feeling ko may mangyayaring kakaiba, eh. Pinagsawalang bahala ko na ito.
Let God take care of this.
-----
Bigla akong napamulat nang marinig ko ang malakas na boses ni Ate Mica. Napahikab na lang ako. Tinulungan ako ni Ate na makatayo papunta sa banyo.
Mahirap...Ang hirap talaga. Isang tao lang naman ang gusto kong makita after all these years. Hindi ko naman siya masisisi kung hindi siya nagpapakita sa akin. Pagkatapos ng ilang minuto, tapos na ako.
Hindi ko maiwasang kabahan habang papalapit na kami sa cafè ni Kuya Ares. Napakagat ako sa aking ibabang labi na siyang ikinatawa ni Kuya Trigger Montecillio. Siya na raw magd-drive.
Huminto na ang sasakyan...
Biglang bumilis any tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang kabahan. Huminga ako ng malalim.
Agad na akong bumaba sa sasakyan. Sumilip muna ako sa loob at laking gulat ko nang makita ko siya. Napatulo ang aking mga luha nang makitang tulog siya. Cute!
Agad akong pumasok at pinuntahan siya. Umupo ako sa harapan niya nang hindi gumagawa nang ingay. Napaiyak pa ako lalo na nang magising siya at nag angat ng tingin sa akin.
"Rinna...." Ang aking pangalan ang unang lumabas sa kanyang bibig. Hindi ko siya maiwasang titigan. His looks became more define than ever.
"Rick..." Sabi ko at bigla siyang ngumiti. Kinuha niya ang aking kamay at hinawakan ito ng mahigpit. Tumayo siya at itinulak ang aking wheelchair papunta sa piano. Kumuha siya ng upuan at nagsimula na siyang tugtugin ang piyesang Mundo.
"Yung kasalanan mo sa akin,Tanggap ko na iyon. Huwag kang humingi ng pasensya, please." Sabi ko pero napayuko siya. Hindi ko alam ang nangyayari pero may nakita akong butil ng mga luha na nahulog sa kanyang mga mga mata.
Hindi ako nagkakamali...umiiyak siya. Natapos na ang kanta. Nakita ko ang munti niyang paghikbi. "I’m sorry..." Sabi niya at niyakap ako. Napatingin lahat ng tao sa cafe. Napangiti na lang ako.
Ayun lang ang kailangan ko...ang maramdaman niyang tao rin siya at pwede siyang umiyak. For years, I know he is pretending to be someone else. Alam kong siya ‘yong nagbibigay ng pagkain na masarap sa akin noong nakulong ako ng mga taong iyon.
"I-i love you." Bulong niya sa akin.
The End
BINABASA MO ANG
Lachrymose Girl
ChickLitShe loves telling memories on her journal. She will stop writing on her journal if she make a boyband name ELITES. Until one day, she met a guy and fell in love. Everything loses control when the one she loves is the reason why she was locked up in...