REMINISCING US
written by ahnshsnz~•~
"Who will drive the car, then?" tanong ni Erika habang prenteng nakaupo sa sofa.
"Syempre ako." presinta ko.
Nagtaas siya ng kilay saakin. Hindi ko na lang pinansin at pinasadahan ang bag pack na parang sasabog na sa sobrang dami ng laman. I'm just so excited because this is the first time they agreed to me to go on a trip since the day we lost our parents. Si Christia ay abalang nagca-calligraphy ng kung ano habang si Franchesca naman ay nagse selfie na ipo-post niya raw sakaniyang instagram. Si Ate Rohan na siyang pinaka matured saamin ay nakatitig lamang sa pagkain sakaniya harapan.. Tila malalim ang iniisip kaya hindi ko na ginambala.
We're all best of friends since a tragedy happened back then when we were just kids. Napunta kami sa isang orphanage. At ngayong nasa tamang edad na kami, na claim na namin ang mga pamana ng parents namin. A some psycopath murdered our parents habang nasa byahe kami patungong Tagaytay.. luckily nakaligtas kami. Masama, hindi ang mga magulang namin. Ang sabi ng pulis ay nahuli na yata ang psycopath na iyon kaya ngayon ay napapayag ko na silang maglibot. I just realized that it's time to face our fears, right? Nothing will happen if we just try it.
"Excited na talaga ako! For sure, madaming magagandang tanawin doon." sigaw ni Christia.
I just smiled. Masaya ako kasi masaya sila, as long I have them.. My daily life is perfect even though I don't have my parents anymore. Atleast we have each other. I can't afford to lose my friends.
"I called the police of Baguio.. Kapag hindi tayo nakarating doon ay hanapin na agad nila tayo. I'm just scared that something might happen habang nasa byahe tayo. Mas maganda na ang sigurado at ligtas tayo." sabi ni Ate Rohan habang abalang kinakalikot ang likuran ng van.. Maybe, arranging some stuffs into right places.
"Hay.. Pero nagaalala padin ako. What if.. May psycopath nanaman? At patayin nila tayo gaya ng ginawa nila sa pamilya natin.." nakakunot ang noong sinabi ni Erika.
"Can you please stop thinking about that what if's, Erika? Bata pa tayo noong mangyari 'yon. At isa pa ang baliw na 'yon ay nakakulong na.. You don't have to worry." pagpapakalma sakaniya ni Franchesca.
Tumango ako kay Erika, pinapanatag ang loob niya. Isa isa na silang pumasok sa van para makabyahe na kami. Ako ang magda-drive. Sa tabi ko ay si Ate Rohan habang nasa likuran sina Erika, Christia at Franchesca. Nilingon ko sila at nginitian. Nakasuksok na agad sa tenga ni Erika ang kaniyang earphones.
I turn on the dvd player para naman hindi nakakaburyo at para matabuban ang daldalan ng tatlo sa likuran. Ang bumungad na kanta ay The Chase ng Sleeping With Sirens. It is one of my favorite kaya hindi na ako nag abala pang ilipat.
"Ugh! Kakarindi iyang kanta mo, Lorin! Masyadong live ang music. Wala ka bang mga Yeng Constantino diyan?" rinding rindi na sigaw ni Franchesca.
"Wala." sagot ko kahit meron.
Inirapan niya ako kaya natawa na lang ako. Napagdesisyonan naming mag stop over muna sa isang fast food chain para bumili ng tanghalian at para na rin sa hapunan. Ang tatakaw talaga nila, sobra! Sinabi ko namang may hinanda na akong pagkain pero ayaw nila.
Hininto ko ang van sa isang fast food chain na hindi ko gaanong kilala. I ordered our lunch. Ngiting ngiti ang lalaki saakin habang inaabot ang pagkain. Ang creepy ng ngiti niya. May nakasuksok pang parang earphones sa tenga niya. Bago ko napaandar ang van ay may narinig kong may kausap siya doon at nakahawak ang kaliwang kamay niya rito.
BINABASA MO ANG
Reminiscing Us
Short Story"I suddenly remember us. How we talk comfortably to each other. Noong mga panahon na ang isa't isa na lamang ang tangi nating pagasa. Noong wala pang nagbabago. Noong mga panahong wala pang nawawala. I stare at the sea and patiently wait for the su...