Prelude

10 2 0
                                    

"I'm too dumb to realize that you already fell for me. I'm sorry, Keire." sabi niya sa akin at yumuko. Nginitian ko lamang siya.

"Ayos lang 'yun, Chenle. Naiintindihan ko naman... na si Reila ang gusto mo at bestfriend na masasandalan mo tuwing may problema lang ang turing mo sa akin." sabi ko sa kaniya. Pilit kong pinipigilan ang luha ko na tumulo.

"Let's see each other again soon, Chenle. Magkita tayo muli sa oras na wala na akong gusto sa'yo at may ibang tao na magpapasaya sa akin." pagpapaalam ko sa kaniya at tumalikod. Nagsimula na akong maglakad palayo sa kaniya.

Ngunit, bigla niya akong niyakap sa likod dahilan para mapatigil ako.

Pigilan mo ako, Chenle... sabihin mong gusto mo 'ko.

"Mangako kang babalik ka, bestie." sabi niya sa akin kaya agad kong tinanggal ang braso niyang nakayakap sa akin.

Nanakbo ako palayo doon at hindi na muling nagpakita pa sa kaniya.

querencia ✧ chenleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon