Chapter 2 - Bloody Beginning

132 7 1
                                    

Isang nakakikilabot na sigaw ang narinig nila. Hindi sila pwedeng magkamali ito ay nanggagaling sa banyo.

"Ash?", nagaalalang boses ni Klaire

"Uy ano yooon,???", sambit ni Ivan

"Gagi tara puntahan naten", dagdag ni Dominic

Agad silang nagtakbuhan patungong banyo at agad nilang binuksan ang pinto.

At sakanilang pagbukas....

"Aaaaaashhhh!!!", nanginginig na sigaw ni Sheena


*--------*--------*

BUMUNGAD sakanila ang patay na katawan ni Ash. Ang kanyang mukha'y nakahandusay sa ibabaw ng toilet bowl,  duguan at dilat na dilat ang mga mata. Basag na basag ang ulo nito at halos magkalat ang utak sa sahig.

Silang lahat ay nanghina ng makita nila ang kinahinatnan ng kanilang kaibigan . Ang iba naman ay bumaliktad ang sikmura. Sila Sheena at Veronica na walang tigil sa pagiyak at di makapaniwala sa sinapit ng kanilang kaibigan. Kasabay nito ang paghingi ng tulong nina Ethan at Dominic.


"A-ash gumising ka. Napakawalang awa nila! Hinding hindi ako papayag na hindi managot ang gumawa sayo nito!", sambit ni Ivan


Sa kanilang magkakaibigan si Ash ang pinakamalapit na kaibigan ni Ivan. Halos magkapatid na ang turingan nito sa isa't isa. Kaya napakasakit para kay Ivan ang nangyari sa kanyang pinakamamahal na kaibigan.


Agad rumesponde ang mga pulis sa bahay ni Ethan. Maging sila'y halos maduwal din sa kanilang natagpuan. 


"Kawawang bata naman ito sir", sambit ng isang pulis

"Grabe na talaga ang mundo nating ginagalawan ngayon. Wala ng pinalalagpas ang mga kriminal mapabata man o matanda, pinapatay nila!."

"Wala silang awa!!!", sigaw ni Sheena na nagpatigil sa lahat.


Inimbestigahan ng mga pulis ang nasabing crime scene. Sila'y naghanap ng mga fingerprints at kung ano ano pang mga bagay na sa tingin nila'y makatutulong sa kanila upang mahuli ang gumawa ng mga ito. At sa huli'y wala silang natuklasan na kahit anong bahid ng ebidensya. bukod sa isa...


Nakakita sila ng isang misteryosong bagay na nakapagdulot sa kanila ng pagtataka.


"Isang manika???"napakunot-noong sambit ng isang pulis


Agad tinanong ng mga pulis ang mga kaibigan ni Ash.


"May kilala ba kayong nakaaway o nakaalitan ng biktima. Bago nangyari ang mga ito?"


"Sa pagkakaalam ko po. Wala po. Napakabait na tao po nyang kaibigan ko at kahit kailan ay wala po akong natatandaan na nakaaway nyan. Kahit nung mga high school pa po kami. Kapag may gulo umiiwas na po agad yan", kwento ni Ivan 


"
Tama si Ivan. Kaya nga ho nagulat kami ng mangyari sakanya yan. Kanina lang ay nagkakasiyahan kami at ngayon wala na sya, wala na ang aming kaibigan, umiiyak na sambit ni Lavender.


"May kilala ba kayong nagmamay-ari nito", tanong ng pulis

"Manika?", pagtataka ni Ethan

"W- wala ho", sambit ni Lavender

"Wala kaming nakitang kahit anong bahid ng ebidensya bukod rito. Hindi biro ang ginawa sa kaibigan nyo. Sa tingin ko'y mayroong matigas na bagay na ipinukpok sa ulo ng kaibigan nyo na naging dahilan kung bakit nabasag ang bungo nito. Ngunit wala kaming natagpuan na kahit anong matigas na bagay sa pinangyarihan ng krimen.", sambit ng pulis


Agad ng kinuha ng SOCO kasama ang mga pulis ang patay na bangkay ni Ash.

"Sige ho mauuna na po kami. Tatawagan nalang po namin kayo kung mayroon na po kaming balita sa iyong kaibigan. Ito po'y aming iimbestigahan."

"Nakikiramay po kami sa pagkamatay ng inyong kaibigan"


Umalis na ang mga pulis sa bahay ni Ethan. At ang lahat ay hindi pa din makapaniwala sa sinapit ng kanilang kaibigan. Sila'y nakalugmok at ang iba'y patuloy pa ding nagiiyakan. Sa kabilang banda nama'y sila Sheena at Veronica na nagtataka sa kanilang natuklasan.


"Isang manika??? Hindi kaya si S.......", natatakot na sambit ng dalawa

Abangan ang susunod na Kabanata....

***MRALIEN004***


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ChelseaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon