Sanay di magmaliw
Ang dati kong araw
Nang munti pang bata
Sa piling ni nanay
Nais kong maulit
Ang awit ni inang mahal
Awit ng pagibig habang ako'y nasa duyan."Apo, apo, may pasok ka ba?" Kalabit saakin ni lola sa talampakan.
"Mayroon po la"
"Alas otso na"
"Shit" utas ko at mabilis akong napabangon sa hinihigaan ko.
Late na naman ako. Hinding hindi na ako magpupuyat muli.Nagmadali akong maligo at nagbihis, at dumeretso na ako sa paaralan.
Mabuti na lamang at hindi nauna sakin ang aking guro."Get one whole sheet of paper and write a letter to your grand parents. As a sign of gratitude to their love and care. Here in our school we celebrate GRANDPARENTS DAY yearly so expect that today your time will be free. And expect that you can have your early dismissal "
"Yahoooo!!"
"Makakapag dota na ako"
"Tara pre 3v3"
"Yes!! Makakatulog ako!!"
Masayang reaksyon ng aking mga kaklase sa anunsyo ng aming guro. Grand parents day nga pala ngayon. Hindi ko nabati si lola kanina.
Ibibigay ko sakanya itong sulat na ito."Uy Natie! Saan ka pupunta mamaya? Maaga uwian" tanong ni Brenda saakin
"Pasensya na , walang kasama si lola kailangan kong umuwi. "
"Sayang naman volleyball pa naman sana tayo" sabi naman ni Alona
"Pasensya na talaga kayo"
"Okay lang Natie sanay na kami" batid kong dismayado ang boses at pahayag na iyon ni Kate
Hay. Mahal ko ang aking lola at hindi ko siya ipagpapalit sa kahit sino o kahit ano.
Madali kong iniayos ang gamit ko.
Sana pala ay hindi na lang ako pumasok, tutal wala naman palang klase. Bakit kasi ngayon lang nila sinabi? Dati naman ay nag aanunsyo sila ng maaga. Pero pabor din saakin, masama din kasi ang pakiramdam ko. Kanina pa humihilab ang tiyan ko.Masaya ako kagabi kasi sabay kaming kumain na pamilya. Nag uwi kasi ang aking ina ng dalawang balot ng lechong manok. At pinansin nya si lola. Sabay sabay kaming naghapunan na hindi namin ginagawa ng madalas. Kaya laking tuwa ko sa nangyari kagabi.
Hindi kasi sila nagpapansinan. Alam nyo na. Biyenan kasi ni mama si lola. Hindi ko alam ang pinagmulan ng away pero mahirap kasi yong ganon. Naapektuhan kami at the same time naiipit. Taon na din silang ganyan kaya nasanay na din kami.
"To all the students, pack all your things and go home. Kiss your grandparents and say I LOVE YOU. Thank them for all the efforts and love. Enjoy your day kids! Happy grand parents day. Make your lolo and lola happy"
Pabor na pabor sakin dahil humihilab nang talaga ang aking tiyan.
Madali akong umuwi ng bahay.
At ang itsura ng aking nadatnan ay hindi magandaSi mama at ate na namimilipit sa sakit ng tiyan.
"Anak buti umiwi ka, nagdudumi ka din ba? Mukhang panis na ang manok na uwi ko kagabi. Uminom ka na ng gamot doon"
Agad akong uminom at medyo uminam ang aking pakiramdam
Pero humilab uli ito kaya dumeretso ako sa banyo.
LBM nga, Loose Bowel Movement nga ang dahilan kung bakit magmula pa kanina ay humihilab na ang aking tiyan.
Pagtapos noon ay pumunta ako sa likod kung saan ang tambayan ng aking lola.
BINABASA MO ANG
Ugoy ng Duyan- one shot
Short StoryWalang makakapantay sa pagmamahal ng isang Lola. Walang hihigit sakanya.