Chapter 1
SUVI took a deep breath and lean at the back of my chair, and stared up at the ceiling.
"Coleen" my teacher's voice echoed at the four walls of the classroom.
"Y-Yes, Ma'am?" I asked, stuttering.
"Stand up" she calmly command.
I bit my lower lip and slowly stood up. I can feel now my hands are trembling in nervousness.
Oh god, help me!
"What is the three basic components of cell theory" she asks and crossed her arms.
I released a deep sigh. Thank God! I knew the answer. I was about to speak, when the bell rangs cut me off.
Oh great! Damn it!
"Okay Class! Since hindi nasagot ni Coleen ang tanong ko, she will be reporting about cell components, on our next meeting" she announced saka tumingin sa schedule na nakadikit sa may ding ding malapit sa blackboard "Next Friday ang next meeting. So, be ready"
Seriously?
"Ma'am, alam ko naman-"
"No more buts, Coleen!" she cuts me off and gave me a deadly glare "Goodbye Class" and she went out of the classroom.
Napairap ako. Ano pa nga bang magagawa ko?
"Ang laki laki talaga ng galit sayo nun ni Ma'am Olyn tabachoy" asar ni Rica na bahagyang ikinatawa ko ng makalapit sya sa akin.
"Hayaan mona!" isinagot ko nalang at sabay na kaming lumabas ng classroom.
—
"Grabe! Sawang sawa na'ko sa pang araw araw na kinakain ko" tamad na sabi ni Rica habang nakayukong tinititigan lang ang pagkain na kinuha nya galing cafeteria ngayong lunch.
I chuckled and sip my orange juice "Sinabi ko naman kasi sayo na mag padala ka nalang ng pagkain kay Jelmar" suhestyon ko na biglang ikinatunghay nya.
She's always like that. Marinig lang ang pangalan o miski anong bagay na mayroong koneksyon sa boyfriend nya ay nagiging aktibo sya.
"Oo nga! Kaso.." putol nya sa sasabihin nya at bahagyang ngumuso pa "Nasa kabilang building sya, and I bet he's busy than us kaya baka sa pag aaral nya naman sya mawalan ng oras"
Jelmar is now first year college kaya nasasabi nyang mas busy ang boyfriend nya kaysa sa amin na talaga namang pinaniniwalaan ko dahil wala pa naman kaming masyadong mabibigat na ginagawa ngayong Senior High.
"Atleast diba, hindi kana mag sasawa sa mga kakainin mo" I joked kahit na totoo naman dahil sa College building dito sa school namin ay mas masasarap at palaging iba iba ang mga pagkain sa cafeteria nila. Hindi katulad dito, masasarap nga, paulit ulit naman!
Lumabi sya at mataman akong tinitigan "No way! Mas gugustuhin kong mag sawa na lang sa kinakain ko kesa naman sa mawalan kami ng magandang future" she stated na para bang ganon na talaga sya kasigurado na sila na talaga ang mag kakatuluyang dalawa hanggang sa dulo. Pero no doubt, as long as mahal parin naman nila ang isa't isa.
I slightly chuckled before giving a big bite on my burger.
—
"Omg, Omg!" kunot noo akong napatingin kay Rica sa biglaan nyang pag irit habang kami'y nag lalakad dito ngayong awasan sa gitna ng corridor, palabas ng school.
"Coleen!" tawag pa nya sa'kin at bahagya pang pinaypayan ang sarili na akala mo'y totoong nababanasan "Omg! Jelmar asked me on a date" She scream again, making my eyes rolled at her.
Parang tanga! Hindi na naman bago sa kanya ang mag date silang dalawa ni Jelmar pero heto't akala mo'y first time padin syang inaaya.
"I know what you're thinking, Coleen! Sadyang kinikilig lang talaga ako!" impit pa sana syang titili ng takpan kona ang kanyang bibig.
"Will you please stop? Nakakarindi kana!" reklamo ko.
"Sus! Ang sabihin mo, bitter ka lang" asar nya at bahagya pa itong tumawa.
"No, i'm not" pag dedepensa ko.
"Yes, you are"
"Nevermind" pag tatapos ko sa pag tatalo naming dalawa.
"Baby!" impit na sigaw na naman ni Rica at habang sinasalubong nya ng yakap ang kanyang boyfriend habang ito'y papunta sa aming direksyon.
"Did you miss me, baby?" Jelmar's flirty voice asked her, after they hugged.
Tumango tango ng parang aso si Rica at inginuso pa ang kanyang labi na parang gusto pa atang mag pahalik kay Jelmar.
"Guys, PDA" singit ko sa dalawa
"Whatever" agad na sagot ni Rica at mabilis na hinalikan si Jelmar sa kanyang labi, making me want to puke. Ew.
"Anyway, Coleen" tawag sakin ni Jelmar matapos nilang mag landiang dalawa. "Do you want to come with us?" alok nya.
"No thanks! I'd rather be alone than being a third wheel" I said, chuckling at umaktong parang masusuka pa.
Tinawanan lang ako ni Jelmar, samantalang si Rica naman ay masama ng iniirap ang kanyang mga mata sa akin.
"Please, Jelmar! Take care of my Bestfriend. Bye!" I bid a goodbye and didn't wait for them to reply and just walk away.
—
I lean my back on a thick tree, while waiting my driver to arrived. Pinag tatawanan na nga ako ni Rica dahil Grade 12 na daw ako pero heto't may taga hatid at sunod pa daw ako. Dinaig ko pa daw ang ibang mga Highschool students na may sari-sarili ng mga sasakyan kaya ang madalas na idinadahilan ko nalang ay tinatamad akong mag maneho kahit ang totoong rason kung bakit wala pa'rin akong sariling sasakyan hanggang ngayon ay dahil hindi pa'ko pinapayagan ni Daddy.
Napaayos ako ng tayo ng bumusina at tumigil sa aking harapan ang isang black SUV Ford Escape tinted glass na palagi naming ginagamit ni Manong Oscar sa tuwing ihahatid at susunduin nya ako dito sa school.
Lumapit ako sa back seat ng pinto ng sasakyan at sinubukang buksan ngunit naka lock ito. Kinakatok ko din ang salamin nito, ngunit hindi parin talaga ako pinag bubuksan ni Manong.
"Manong, open this door!" I yelled habang patuloy padin sa pag katok at pag subok na mabuksan ang pinto.
Sisilipin kona sana mula sa bintana si Manong ng mapatigil ako sa biglaang pag vibrate ng phone ko. Mas lalo lang akong nakaramdam ng inis ng makita sa screen ang pangalan ni Manong Oscar. Pinag titripan nya ba ko't nagawa nya pa talaga akong itext?
I open his message and read it.
From Manong Oscar:
Pasensya napo, Ma'am Coleen. Nasiraan po kasi ng makina ang sasakyan kaya baka matagalan ko papo kayong masundo dyan.Napakunot ang noo ko. What the hell?
Napabalik ang tingin ko sa sasakyan ng maramdamang mag bukas ang bintana nito. My eyes literally widened when I saw Felix Gaius Alvarez, inside the car while seriously staring directly into my eyes.
Oh god!
He's Famous, Rich, Playboy and one of Jelmar's friend kaya kilala ko sya. Pero ngayon ko pa lang sya nakita ng personal, madalas kasi ay puro sa picture ko lamang sya nakikita na palaging ipinapakita ni Jelmar sa aming dalawa ni Rica, kaya masasabi kong nasaulo kona rin kahit papaano ang itsura ng muka nya, and base pa sa kwento ni Jelmar, he's at LA daw kaya hindi sya nakakasama sa gimik ng barkada nila pero mukang umuwi na ito dahil nakikita ko at nandito na ito sa harap ko ngayon.
Unless kung patay na sya at ako ang nauna nyang mapag tripan na multuhin. Wait, What? Seriously? Ano ba 'tong iniisip ko?
"Sorry. I didn't mean it. I just thought that it was my c—"
"It's Okay, Whatever!" He cuts me off and raised half of his hand at mabilis na pinaharurot ang kotseng minamaneho nya, leaving me dumbfounded.
"Sht! Nakakahiya ako!" inis na bulong ko sa sarili habang sinisipa sipa ang maliliit na mga batong maliliit sa may paanan ko habang humihinga ng malalim.
Stupid Coleen!