Dumating ang sabado nang umaga, siyempre ako maaga nagising dahil alam kong maaga talaga dadating yung mga mokong, dahil sobrang excited yung mga yun, pati naman ako excited e. haha. Matapos lang ako maghilamos at magtoothbrush, isa isa na silang nagsidating, pinangunahan sa pagdating ng aking bespar na si Kyle.
"Aga a, hindi ka rin excited no?" pabiro kong tanong kay Kyle
"aaaa...bakit masama ba? Sige alis na lang muna ako!" lungkot na sagot ni Kyle
"Eto talagang bespren ko o. Tampo.. Halika ka nga dito bibi Kyle." pag aamo ko kay Kyle
Sabay binatukan ako
"Aray naman bibi Kyle. Haha." gulat na sambit ko nang batukan niya ako
"Tigil tigilan mo nga ako Rick. Nabubuang ka na naman ata" saad niya
Napatigil kami at napatingin sa mga taong dumating sina Zack, Xian at Sam. Puro mga naka short ng pangbeach ang mga loko. Kala nila beach ang pupuntahan, e dito man lang kami sa bahay.
"Saan pala si Felix? Hindi niyo siya kasabay?" tanong ni Kyle sa kanila
"aa..ee..susunod na lang daw......." putol na sagot ni Sam nang may taong biglang nagsalita
"Ano? Magkwenkwentuhan na lang ba tayo dito?" pagputol ni Zack sa aming paguusap"Sige. Mukhang excited na excited na to si Zack. Ilagay niyo na lang muna yang mga gamit niyo sa kwarto, pagtapos diretso na lang kayo sa pool. Doon ko na lang kayo hihintayin." sabi ko sa mga loko
"Ge tol." pag sang ayon nila.
Umakyat sila sa kwarto para ilagay ang kanilang mga dalang gamit at dumiretso agad sa pool kung saan nandun ako. Pagdating nila dito ay nakatopless na silang lahat suot nila sa pambaba ay pambeach na short, ang hot nilang tingnan, ay wait ano sinabi ko? Sila hot? Ano ba nangyayari sa akin? Bat nasabi ko yun? Puta hindi ako bakla! Pagpapaliwanag ko sa utak ko. Di ko namalayan ay nasa harapan ko na pala sila at nakangisi na nakatingin sa akin, ang hindi ko alam nakatitig na pala ako sa kanila kanina pa. Bumalik na lang ang aking ulirat nung tinapik tapik ako ng aking bespren na si Kyle sa balikat.
"Rick! Ano ba nangyayari sayo? Bat kanina ka pa dyan tulala? Tapos sa amin ka pa nakatingin ?" sunod sunod na tanong ni Kyle sa akin.
"Oo nga Rick? Ano problema? Mukhang may malalim ka atang iniisip." sabat pa ni Sam
"Aaahh! Wala to may biglang pumasok lang sa utak ko!" pagaalangang sagot ko.
"O, nandyan na pala si Felix!" biglaang saad ni Zack
Naputol ang pagtatanong nila nang biglang dumating at nagsalita si Felix.
"Oy mga pre, mukhang nageenjoy na ata kayo a. Hindi niyo man lang ako hinintay!" sambit ni Felix habang papalapit sa amin.
"Ilagay mo muna yang mga gamit mo dun sa kwarto. Sasamahan na kita." saad ko
"Oo nga, baka maligaw ako e. anlaki pa man din ng bahay niyo." sagot niya
"Sige mga tol, hintayin na lang namin kayo dito" dagdag pa ni Zack
Dali dali akong naglakad papalayo kung saan sila, at kasama ko ngayon si Felix papunta kami sa kwarto para ilagay ang kanyang mga gamit. Sa totoo lang sinamahan ko siya para matigil ang pagtatanong nila Kyle sa akin, at baka saan pa humantong yun. Matapos namin mailagay ang kanyang gamit ay bumaba na agad kami at pumunta sa kinaroroonan nila. Tiningnan lang nila kami at ngumisi, hindi ko alam kung bakit tumatawa sila. Hwag lang sana dahil dun kanina o may iniisip tong mga mokong na to. Nakarating kami sa kinaroonan nila. Biglang nagsalita si Felix
"Mga tol bat ganyan kayo makatingin?" pagtatakang tanong ni Felix sa kanila
Hindi na sila sumagot pa bagkus ay isa isa silang tumalon sa pool. Hindi na hinintay ni Felix ang sagot nila at sumabay na lamang ito. Habang ako napapaisip pa din sa mga nangyari a while ago dito sa gilid ng pool habang tiningnan sila. Una sinabi ko na hot sila, tapos natulala pa ako sa mga katawan nila. Haysst! Ano na ba nangyayari sa akin. Hindi pwede to. Hindi ako bakla. Hindi. Iwinaksi ko lahat ng gumugulo sa aking isipan. Nakisabay na ako sa kanila para naman hindi ko na maisip yung mga bagay na yun.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare? (bxb)
Fantasy"I'm scared of telling the truth. But, I'm more scared about the consequence if I choose the other option." TRUTH OR DARE (T0R) - ongoing by: blindfold_alpha WARNING: This story contains explicit words that may not suitable for young readers. Bette...