U
KABANATA 1Marahan kong ipinikit ang mga mata ko habang hinihilot ang sintido ko. Nararamdaman ko ring bumibigat na ang talukip ng mata ko. Gusto ko nang matulog pero hindi pwede, kailangan kong tapusin itong sandamakmak na paper works na nakatambak sa table ko.
Ala una na ng madaling araw nang lumabas ako para bumili ng kape. Bumalik ako sa kuwarto pagkatapos at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Graduating na ko, kaya pinag iigihan ko para makuha ang diploma na inaasam-asam ko. Sumisimsim ako ng kape ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Napakunoot ang noo ko ng makitang si Cheryl ang tumatawag. Anong kailangan ng isang ito at napatawag ng ganitong oras? Pinindot ko ang answer button at itinapat ang cellphone ko sa kaliwang tainga ko.
"Hello?" humihikab ako ng sagutin ko ito
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko habang hawak ang telepono sa kaliwang kamay.
"Sab?"
"Gising ka din ng ganitong oras, Che? Bakit?"
Itinigil ko ang ginagawa ko, humilig ako sa upuan at marahang minasahe ang batok ko.
"Kakauwi ko lang galing sa duty ko. You know, nursing student. Madalas tayong sabog." aniya sa kabilang linya
Tumango-tango ako sa sinabi niya. Nakakapagod rin pag ang kinuha mong course ay nursing. Madalas puyat kaya nakakabuntis sa eyebags. Habang Medicine naman ang kinuha ko. Last year ko na 'to bilang intern sa St. Therese Medical Hospital. Kaya pagkatapos nito ay kukuha agad ako ng Master's Degree para maging isang ganap na doktor. Katulad ni Cheryl, palagi rin akong puyat.
"So, why did you call me then?"
Naglakad ako papunta sa double-deck ng kuwarto na inuukupa ko dito sa hospital. Humiga ako at niyakap ang panda bear na nasa gilid ko.
"Di ako nakapag paalam sayo kanina bago ako umuwi, kaya nakalimutan kong may sasabihin pala ako sayo. Are you free tomorrow? Day Off ko bukas at manonood ako ng game ni Matthew. Sama ka? Wala kasi kong kasamang manonood."
Tumagilid ako sa pagkakahiga bago siya sagutin, "What? Kasama mo naman boyfriend mo at paniguradong susunduin ka niyan. If ever, na hindi ka sunduin edi huwag ka ng manood ng game nila. Itulog mo nalang 'yan."
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin.
"E 'yon nga, Sab. Hindi alam ni Matthew na manonood ako kasi ang alam niya may duty ko. Tsaka girl, miss ko na jowa ko." sagot niya sa kabilang linya
Jusko, kaya ayaw kong humanap ng jowa e. Okay na ko sa paghanga sa mga idols ng bansa. Kesa humanap ng jowa na hindi naman matino.
Well, I can't blame Cheryl falling for Matthew. He's a good man for her. You can see it in his eyes that he loves Cheryl so much. Kahit pa minsan lang sila magkita dahil sa hectic ng sched ni Cheryl bilang nursing student. High school couple silang dalawa at ang tatag ng relasyon nila hanggang mag kolehiyo sila. Di na ko magtataka kung sila na ang magkatulayan in the near future. The best thing I can do is to support them both.
"Puwede naman, mag date nalang kayo, di'ba? Big deal ba talaga yang basketball game nila at gustong-gusto mong pumunta?" sagot ko
Nakapikit na ang mga mata ko pero nakikinig pa rin sa mga sinasabi ni Cheryl.
"Sab, duh? Bukas lang ang day off ko at sumakto pang may laro sila ng mga kaibigan niya. It's not a contest anyway, gusto lang nilang maglibang. Well, you know Matt is on the showbiz industry and playing basketball is his comfort zone."
Cheryl is right. The three of us are on the same situation. Sobrang exhaust. Matthew is a celebrity. Maraming trabaho rin ang meron siya. Advertising product, modeling in some magz agency, filming movie and etc. Pero kahit isa na siyang artista ay di pa rin niya nakakalimutan ang kasintahan niya, si Cheryl. He's very humble and very down to earth.
YOU ARE READING
U
Teen FictionU A story introducing Sab Llinez and Druhke Fuentes ALL RIGHTS RESERVED. ©2018