One shot (Teen)

12 1 0
                                    

Video Presentation
(One shot)

Study comes first! Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na pumasok sa isang relasyon. Oo na, ako na ang walang boyfriend.

Single

NBSB

As in, No Boyfriend Since Birth.

Tss.

Pake niyo! Ganito naman ako palagi eh. Bitter sa mga couples na dadaan. Tambay lagi sa isang sulok at forever alone.

Katulad ngayon, alas siyete na ng umaga at ako palang ang nandito sa room.

Hay buhay parang life!

"Hoy Aileen, bakit para ka yatang namatayan diyan?"

Tumingala ako at tinignan ang nagsalita.

"Ah ikaw lang pala.", walang ganang sabi ko.

Siya pala si Xavier, ang classmate kong panay landi lang ang alam.Miyembro siya ng school paper namin at palagi niyang kaharutan ang mga co-journalist niya.

Kung tinatanong niyo kung may gusto ako sa kaniya.

Ah medyo.

Sino bang hindi magkakagusto sa kaniya?

Gwapo, 6 footer, maputi at may malaporselenang balat, top- notcher sa klase, isa sa sikat na varsity ng school at higit sa lahat mabait.

Ngunit dahil sa sobrang kabaitan namimisinterpret na ng iba ang mga kilos at gestures niya.

Ito ngang ginagawa niya ngayon, 'di ko mapigilang mamisinterpret eh.

Tss.

Oo na, 'di lang pala medyo. Crush ko siya okay?! Since when?! Malay ko.

"Bakit may iba ka pa bang hinihintay?", tanong niya na may naglalarong ngiti sa mga labi.

Tss.

Ay, oo nga pala. Nasabi ko na bang malandi din siya. Ah, nasabi ko na nga.

"Umalis ka nga. Istorbo mo.", iritang sabi ko tsaka humalumbaba at itinago ang mukha sa mga braso ko.

Ang taray ko ba? Okay din 'yun para 'di halatang crush ko siya.

"Uy, wala namang ganyanan. Ang aga kong gumising ngayon para asdfghjkl.", reklamo niya at may ibinulong pa.

"What?!", tanong ko.

'Di ko kasi narinig 'yung huli niyang sinabi.

"Wala! Sayang effort ko. Tss. Makaalis na nga.", padabog itong pumunta at umupo sa upuan niya na nasa kabilang dulo mula sa upuan ko.

'Tsk. Mabuti nalang at lumayo na siya. I might've said and asked something stupid at the later moment.'

Ibinalik ko nalang sa pagkakadukdok yung ulo ko sa mesa.

Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula ng magsidatingan ang mga kaklase namin.

*boogsh*

Napabalikwas ako sa upuan ko at tinignan kung sinong tampalasan ang humampas sa mesa ko.

One shot (Teen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon