Chapter 1

16 2 0
                                    

Enjoy :)

***

ADELINE

"Break na daw si Bernadeth tsaka yung crush mo" sabi ni Vanilla.Bestfriend ko.

kunot noong ko siyang tinignan at siya naman ay umupo sa tapat ko.

"First of all hindi naman naging sila, So bakit sila mag be-break?" sabi ko

Kadadating niya lang dito tapos ayan agad yung ibubungad niya sakin.Katatapos niya lang kasi mag enroll sa school nila at nagpapasyahan namin na dito na lang magkita para gumala bago ulit magumpisa yung pasukan. Grade 11 na kami sa pasukan at unfortunately hindi kami same school this year and next year.I have a reason kung bakit hindi ako pumasok sa papasukan niya.

Ganto kasi yun, Sa school namin dati kung saan kami nag junior high half of our batch ay sa AU mag-aaral.So para maiba nag iba ako ng school kasi nakakasawa na yung pagmumukha nila since elementary sila na kasama ko.Kaya yun I decided na mag iba na lang school.
Pero charot ko lang yun kasi ang totoong rason kung bakit lumipat sa iba kasi yung crush ko nalaman ko na dun din pala siya magaaral.Para iwas gulo hindi na lang ako dun nag aral.Pero hindi naman gulo yung iniiwasan ko eh siya talaga baka kasi isipin niya kaya dun ako mag aral eh para masundan ko siya kasi nga crush ko siya.Oo alam ko ang lame ng rason ko pero yun yung naiisip ko eh wag kayo magulo.

"Bakit!? para lang ba sa mag jowa yung break up?" sigaw niya sakin pero hindi naman malakas

"Oo!"

"paano mo naman nasabi aber?"

"kasi..uhhh..kasi..walang lang trip ko lang sabihin yun! bakit ba yung break up nila yung pinaguusapan natin"

Wala naman ako paki kung nagkatuluyan sila o hindi eh basta masaya ako kasi free na ulit si crush

"Anyways, so kamusta yung pakikipagchat mo sa kanya? nainlove na ba siya sayo? kaya hindi na sila nagkatuluyan ni bernadeth?" sabi ni Vanilla habang inaayos yung mga gamit niya

nakasimangot akong tinignan yung phone ko kung kailan ba yung huli naming pag cha-chat

"last conversation namin nung new year pa pero binati niya ko nung birthday ko" sabi ko habang nakasimangot pa rin

"Hmm" sabi ni Vanilla habang tumatango tango pa na para bang nagiisip

"Almost one month na pala" sabi niya

" So,anong balak mo?" naguluhan naman ako sa tanong niya

"anong balak?" balik na tanong ko

"Balak? plano mo! ngayong free na ulit yung crush mo kailangan mo na gumawa ng way para kayo naman. Alam mo Adi grab the opportunity minsan na nga lang maging free yung crush mo hindi mo pa sulitin"

Napaisip naman ako sa suggestion ni Vanilla para sinasabi niya na ako gumawa ng first move para samin hindi naman ako ganun ka desperada para lang makatuluyan ko si crush syempre babae pa din ako na may dignidad.

"Tara kumain muna nagugutom na ko kanina pa tsaka mapag isipan mo na rin yung plano mo para sa crush mo"

tumayo na kaming dalawa at naghanap ng makakainan.

Habang papasok kami sa kakainan namin di na mapigil yung bunganga ng bestfriend ko salita ng salita akala mo naman sampung taon hindi nagkita eh halos oras oras nga kami nag vi-video call eh.

"Ano ba Adeline salita ako ng salita dito eh di ka naman nakikinig. Ano ba kase yang iniisip mo?"

"Iniisip ko yung sinabi mo kanina yung ako na gumawa ng way para sa amin dalawa naisip ko lang ano bang gagawin ko? eh nagka-chat na kami pero wala pa rin?" sabi ko habang umuupo sa upuan

"Ay nako kumain muna tayo para makapagisip ka ng matino.Ano gusto mo?"

"Syempre yung lagi natin ino-order"

"Ok" umalis na siya ng hindi kinukuha yung bayad ko FYI hindi niya libre mamaya kukunin niya din sakin yung bayad ko

"Rich alam ko ilang taon ka na nanliligaw sakin siguro its about time na ibigay ko na yung matamis ko oo sayo" rinig kong sabi ng babae asa likod ko

So di pa talaga naglandian noh! pede naman sa labas fastfood chain toh! hindi park! Bwiset!

"Wait Ana sasagutin mo na ko?" sabi naman nung lalaki

Ay! ang tanga ni kuya ibibigay na nga yung matamis na oo nagtatanong pa ng ganyan! kung ako yan magbabago na isip ko tanga eh!

"Oo Rich! sinasagot na kita!" sabi ni babae

"Thank you Ana akala ko wala kang balak sagutin ako worth it lahat ng paghihintay ko akala maii-stuck na tayo sa ligawan eh.Thank you Ana and I love you so much"

parang napantig yung tenga ko sa sinabi ni kuya ligawan? napaayos ako ng upo at biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng maisip ko yun.
Pumikit ako ng mariin at pagdilat ko nagulat ako ng may pagkain na sa harap

"Itsura mo dyan?" sabi ni Vanilla

"Itsura ng maganda"

"kumain ka na nagha-hallucinate ka na naman"

At kinain ko na nga yung inorder niya para sakin pero napatigil na naman ako ng maisip ko na naman yun

Ligaw? Manliligaw ako sa crush ko? Pero babae ako na may dignidad sa katawan bat ako gagawa nun? Gumuho man ang mundo hinding hindi ko gagawin yun! Peksman mamatay man lahat ng manloloko sa mundo

***

June 1 2018 2:34 pm







My HeartWhere stories live. Discover now