Nangunguna akong maglakad sa mga lalaking nasa likod ko. Tila sila mga bodyguard na pumoprotekta sa akin hanggang sa tabihan ako ni Jade. Malamang lalaki rin sya, well isa sya sa mga naging crush ko sa loob lang ng isang araw. Oo. At isang araw lang talaga. Bakit? Iyon ay dahil sa isang panaginip. Napakababaw na dahilan, hindi ba?
Ngunit bumalik na tayo sa istorya.Alas-otso pasado na nang gabi ay hindi pa rin kami nakaka-uwi galing piyestahan. Ako na lang rin ang nag-iisang babaeng natira kasama nila, bale dalawa lang kasi talaga kami. Ang kaso, bahay nina Carryl yung pinuntahan namin, kaya ang siste ay ako na lang ang natira. Pito silang lalaki ang kasama at nasa likod ko. Mga bwisit. Hahaha, paano ba naman ay naabutan kami ng prusisyon kaya nag-traffic, at dahil traffic ay wala kaming masakyan. Kaya eto kami ngayon, naglalakad hanggang sa makarating kami sa terminal.
Naalala ko nga pala, katabi ko na pala si Jade na kasalukuyang kinakausap ako."Oy, Margaux." Tawag sa'kin ni Jade.
"Oh, Jade?" Sagot ko.
"Pahinging sampu. Wala akong pamasahe mamaya."
Halos mabatukan ko sya nang iyon ang sabihin nya sa'kin.
"Aba! Hahaha! Wala akong pera, kaya tumigil ka."
"Kow. Wala daw, e. Bili na, pahinging sampu." Sabi nya kasabay ng pag-akbay sakin.
"Hoy. Tigil-tigilan mo ko, Jade."
Pigil ko naman sa kanya, habang inaalis ang pagkaka-akbay sakin. Bigla naman akong nakarinig ng mga tawa mula sa likod namin kaya napalingon ako at nakita ang mga kulugo naming kasama na tumatawa.
"Hoy, Jade! Mga galawan mo, e. Hahaha!!" Sigaw ni Ced.
"Wag mong bibigyan yan, Margaux! May pera talaga yan." Gatong naman ni Jon.
"HAHAHAHA!!!"
"Mga baliw! Tumigil nga kayo! Hahaha!!!" Sagot rin naman ni Jade sa kanila.
"Ano na. Bigyan mo ko ah."-Jade.
"Bakit ba? Wala ka bang pera? Hahaha."-ako
"Wala. Manghihingi ba ko kung meron ako?"-Jade
"Tse. Ayan oh, yung mga nasa likod hingan mo ng tigdo-dos, may dose ka pang makukuha."-ako
"Ehh, bili na. Pahinging sampu. Bigyan mo ko, ah!"
Pangungulit pa rin ni Jade sakin ng bigla nya ulit akong akbayan. Napatingin tuloy ako sa mga taong nakakasalubong namin na pinagtitinginan rin kami.Paano ba naman ay suot pa namin ang uniform ng isang nirerespeto at kilalang school dito sa lugar namin, tapos biglang mag-aakbayan lang kami? Aba, no, no, no, no. Buti ba kung hindi na kami naka-uniform. HAHAHAHA, CHAR LANG!
"Pwede ba, tigilan mo ko at wag mo kong akbayan, hindi ako tulad ng mga nilalandi mo. Hahahah, joke lang."
Oh di'ba. Pa-hard to get ang lola nyo! At dinagdagan pa ng joke sa dulo para hindi halatang nang-aano.. Nang-aano, hahahah!! Nangri-realtalk. Hindi. Kasi totoo naman. Ang dami nya talagang kalandian. Sobra "puhhh" hahahahha.
Okay, going back.. So ayun na nga, bigla kaming tumawid sa stop light. Este, tumawid kami since naka-red naman yung stop light. Dahilan para hindi na kami magkatabi ni Jade pagkatawid. Kasi habang tumatawid pa lang kami, ang mga lolo nyo, pinalibutan ang isang lolang mahaba ang buhok. As in pinalibutan talaga. Dalawa sa harap, dalawa sa kanan, dalawa sa kaliwa, at yung isa, nag-iisa sa likod ko. Si Jade. =_= HAHAHAHA.
Pagkatawid namin ay muli akong nauna sa paglalakad, nang marinig kong muli na may tumawag na tinig sa akin. (Leche sa lalim ng Tagalog, hahahah)
"Hoy, Margaux! Wag mo naman akong iwan! Tabihan mo ko dito!"
BINABASA MO ANG
An Endless Night, I Hope (One Shot Story)
Teen FictionAng kwento ng pag-ibig na tila ba pinagkaitan ng pagkakataon. Ang kwento kung saan isang beses lang sayo ipinaranas ang makasama ang taong gusto at pinakamamahal mo. Pagkakataon kung kailan dapat sinabi mo na lahat ng bagay na dapat mong sabihin d...