KATHIE'S POV
"Hayss... Grabe nakakapagod!!!!" sabi ko habang bitbitbitbit ang isang kahon na hindi ko man lang alam kung ano ang nakalagay.. Ah.. Hindi ko pala nasabi Lumipat kasi kami ng Bahay kasi ang daming nababalita marami daw nanakawan ng gamit dun sa amin kaya yun lumipat kami. Bwiset talaga din tong kapatid ko di man lang ako tulungan magbitbit, puro nalang cellphone inaatupag.. Ay.. Hindi ko rin na sabi ang pangalan pala ng kuya ko, ay Felix Velasques.. BWISET FELIX!!!! Pagkatapos kong bitbitin ang kahon ay umupo muna ako sa bagong biling sofa ni mom at dad, sa totoo lang ang dad ko ay nasa ibang bansa kahapon pa sya umalis ng pilipinas ang dating pa nya ay next week may bussiness trip kasi sila.. Pero bago ko pala ituloy ang kwento nato gusto ko muna magpakilala, Ako nga pala si Kathie Velasques but you can call me Kath, im 17 years old Tall and had a quite Pretty Face pero masungit dun sa mga taong masungit din, tumayo ako pumunta sa kusina at kumuha ng tubig sa ref pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto ko at naisipang magpahinga..
HAPON na!!!! 3:00 PM to be Exact
"Sh*t nakalimutan ko mag tanghalian sasakit na naman tiyan ko neto.. Hays.... Kakain na ngalang muna ako" bumaba ako at pumunta sa kusina, Oh... Walang pagkain so magluluto pa ko.. Bwiset naman tong Felix na toh!!
"FELIX!!!" sumigaw ako sa inis.
"Bakit ba PUSA" bwiset anong pusa pinagsasabi mo nanaman, tsaka kath ang spelling ng nickname ko hindi cat.. Mas lalo akong iniinis nitong si felix.
"IPAGLUTO Mo ko!!" Utos ko sa kanya.
"Bleh! Laki laki muna ako pa paglulutuin mo, ikaw na tinatamad ako" sagot nya dun sa utos ko..
"Aba! Nang-iinis kaba Felix, gusto mo bang sabihin ko kay mom at dad nabawasan ang allowance mo huh!?" Sinabi ko sa kanya sa inis at sa totoo lang hindi ko talaga ginagalang ang kapatid ko na yan kasi salbahe sya..
"Oo na sige na paglulutuan kana, Pero Hotdog at Bacon lang lulutuin ko ah" Sagot naman nya na nagbabaitbaitan, takot siguro mabawasan ang allowance nya.
Hay.. Salamat tapos na sya magluto, ako eto naman na kaupo sa tapat ng lamesa at kumakain ng niluto nya hindi sya nag saing kaya bumili nalang ako ng tinapay sa labas. Napaka layo pala ng bakery dito, Halos 6 minutes ako naglakad ang init-init pa. Nung pauwi nako kanina napansin ko na may isa kaming kapitbahay, sa tingin ko cute sya pero di ko na sya tinitigan gaano pumasok na lang ako sa gate namin, naalala ko tuloy yung naging kaibigan ko sa playground nung bata pa ko..
FLASHBACK
"Ahm... Umiiyak ka ba??" Tanong ng isang batang lalaki sakin.
"😭😭😭😭😭" ako naman umiiyak lang
"eto panyo punasan mo yung mukha mo" binigay nya sakin ang panyo nya. Pagkatapos nyang ibigay ay tiningnan ko sya at ngumiti...
"Ako nga pala si..." Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng tawagin ako ni kuya.
"Kathie!!" Sigaw ng kuya ko, Sa Totoo lang kaya ako umiiyak ay dahil sa naiwan ako ng kuya ko sa playground..
"Ah.. Sige bukas kita tayo dito! Salamat sa panyo!! bye!!" sigaw ko dun sa batang lalaki ng halos parang kasing edad ko siguro.
KINABUKASAN SA PLAYGROUND
"Hi!!" sigaw ko nung nakita ko yung batang lalaki.
"Hello😊" bati nya sakin ng nakangiti.
"Ako nga pala si Kathie😊" nagpakilala ako sa kanya.
"Ako naman si Mark😊" nagpkilala din sya.
Nagkwentuhan lang kami hindi ko na malayan 2 oras na pala kaming nag-uusap at nagpaalam nako sa kanya baka kasi pagalitan ako ni mama..
Pagkatapos na nung mga nangyari lagi na kaming nagkikita dun sa playground, pero biglang isang araw pagpunta ko dun ay wala na sya lagi ko sya hinihintay.. Pero wala na sya..
END of FLASHBACK
Sa totoo lang hanggang ngayon pumupunta parin ako paminsan minsan dun sa playground nababakasakaling makita ko sya..(a/n: sorry guys if chapter one is short, babawi nalang ako sa next chapter Promise! But i hope you still like it😊)