Renae's Pov
"Ayan na sila" sambit ko kay Luna na may halong nakakalokong ngiti habang pinapanood ang mga hiyawan at pagwawala ng mga tao.
"Sila ba yung Aces na sinasabi mo?" Tanong neto pabalik sakin. Tinanguan ko lamang siya at inilihis ang upuan ko sa gawi kung saan mas madali ko silang makikita.
"Hayaan mong ipakilala ko sila sayo..." Nakangiti kong turan sa kanya na siya namang sinuklian niya ng pagtango at pakikinig.
Sa kabilang banda maririnig mo ang mga malalakas na hiyawan ng pangalan...
"MAASOOON!!! AMPOGI MOOOOO!!!"
"HUSOOOON!!! ANG GWAPO GWAPO MO!!!"
"MARCUUUUS HUHUHU AKIN KA NALANG PLEASEEEE!!!"
Sigawan ng mga babae habang ang mga boys naman ay naghuhumiyaw ng...
"MEGAAAAN! SO HOT UGH!"
"ERZAAAAAA SOBRANG GANDA MOOOO!!!"
"MELISSAAA!!! AKIN KA NALANG PAKIUSAAAAAP!!!"
"WHOOO!!! KIEFFEEEEEERRRRR!!! ANG COOL MO SOBRAAAAA WAAAAH!!!"
Yup! That'y how you determine an Ace... By the non-fading love of their supporters and fans. Pagmamahal nila na walang sawa na kahit mapaos kakasigaw basta't mapansin lang kahit konti ay napakalaking bagay na sa kanila... pero sige na at bumalik na tayo sa istorya hehehe masyado na kasi tayong napapalayo eh.
"Sige umpisahan natin kay Mason" sabi ko sabay turo sa kanya.
"Si Mason Prince Torilba. Siya ang Varsity ng soccer team natin... Gwapo at talaga namang pilyo,kadalasan sa kanya maraming rumors dahil grabe kung makaharot ito ng babae. Idadaan ka niya sa pakindat-kindat at sweet talks pagkatapos... kapag asang-asa ka na... iiwan ka niya. That makes him the play boy of the group pero mabait siya katulad ng iba pa sa grupo nila. Huwag ka nga lang mafafall kasi masakit yon hehehe" Pagpapaliwang ko at tsaka nagpatuloy
"Ang lalaki naman sa gawing kanan niya, yun si Huson. Ang Drummer ng grupo... Mas lalong gumagwapo kapag pumapalo na dahil kitang-kita mo sa kanya na gustong-gusto niya ang ginagawa niya. Mabait din at malaya mong makakausap kapag gusto mo. Sa katunayan niyan..." Natigilang sabi ko kasabay ng pamumula ng aking pisnge.
"May gusto ako sa kanya..." nahihiyang turan ko na siya namang sinuklian ng ngiting nakaiintindi ni Luna.
"Haaaaaayst ang drama ko na hehehe kay Marcus naman tayo." Sabi ko sa kanya at tsaka siya tumango.
"Marcus Froy Delmundo ang buoung pangalan niya. Siya at si Megan naman ang certified model ng grupo. Parehas silang may photoshoots kapag weekends at palaging busy kapag vacation. Mabait din at approuchable pero mitikoloso at ayaw sa madumi at mabaho hahaha" tawa ko muli at tsaka muling nagpatuloy. Sasambitin ko na sana ang pangalang Adam at Kyser ngunit natigilan nung makitang wala sila...
'Hayysst mamaya na nga sila...'
"Woi" tila panggising na tawag sakin ni Luna. Nagising ako at natawa pagkatapos ay muling nagpatuloy.
"Sa mga girls naman tayo. Yang babaeng yan na nakaglasses... Siya si Melissa Jane Carter. Siya ang nerd ng grupo at sobrang talino. Pero kahit na ganun ay may isang nakatalo sa kanya... Nerd siya pero tignan mo naman hanep sa ganda. Blogger/Article writer... Yeah hanep talaga" sabi ko habang nakatingin dito, bumaling ako sa katabi nito at siya'y tinuro.
BINABASA MO ANG
VOICES
RomanceCan Kyser stand the voices in his head just to be able to listen to the beating of his heart? See it here on the "VOICE"