S U N D A Y // 5 pm
—
"Meron ka nalang isang linggo, isang linggo para mabuhay" ani ng doktor na nakapag-paiyak sakin"Wala na tayong magawa, hindi na tumatalab ang gamot, wala na. I'm sorry Maureen" dugtong pa nito
Hinawakan ni Shawn ang kamay ko, ng mahigpit. Dahil alam niya rin na meron na lang akong isang linggo.
"Then Let's make the most of it" mapait na ngiti ang binigay saakin ni Shawn pagkatapos niyang sabihin itoPag katapos naming bisitahin ang doktor, dumiretso kami ng simbahan para mag simba.
Sunday// 7 pm
Dumaan muna kami sa isang fastfood chain para kumain pag-tapos non pumunta kami ng part para malibang ng isang oras at pagkatapos umuwi na kami.
—Sunday // 9 pm
Nanonood kaming dalawa ng tv ngunit may sumagi sa isip ko na kung ano ang mangyayari sa pamilya ko, kay mommy, kay ate, kay kuya,
kay bunso, kay shaw—"Huy! Tulaley ka dyan" gulatin ba naman ako! >:(
"Mag-impake ka na ng gamit mo" aniya
"Papunta sa heaven?" tanong ko sabi niya eh baka naeexcite siya na mawala ako
"Siraulo! Pupunta tayong Ilocos Norte" sabi niya. Kala ko naeexite siya sa pag-kawala ko eh
Naka nguso akong kinuha ang luggage ko, maliit lang. 10 Kilos ata ang kaya.Tutupiin ko na sana ang pants ko at ipapasok sa luggage ko nang bigla akong niyakap at hinalikan sa pisngi ni shawn. Napangiti ako havang pumapasok sa isipan ko ang mga katagang 'Hays kelan ko kaya ulit ito mararamdaman?'
"Kanina ka pa naka busangot sige ka papangit ka" ani ni shawn
"Kelan pa ako naging pangit sa paningin mo?" Sabi ko kasabay ng pagpapacute ko na sakanya'y nakapag patawa.Sandali ko siyang pinagmasdan, mamimiss ko yung tawa niyang ganyan.
10 pm na nang matapos kami mag impake. 10 am ang flight namin bukas, pero 5 pa lang aalis na kami mahirap na baka traffic.
—
Monday // 6 am
Nagising ako sa bisig ni shawn, tangunu 6 na!
"Lecheng alarm clock walang kwenta" iritang irita na sinabi ko chineck ko nga kung ano ang problema. Napanganga ako at sinapok ko ang aking ulo nang makitang 5 pm ang na-set ko na oras
"Ang bobo ko pala" medyo awkward na sinabi ko sa sarili ko.Dali dali kong ginising si shawn, isa pa 'tong tulog mantika! Lakas maka sabi ng 5 am anong oras na? 6 am na!
Monday // 1 pm
1 pm na rin nang maka check in kami sa hotel. Pagod kami kaya wala kaming ginawa kundi ang matulog.Friday // 12 am
Pauwi na kami ng Manila, hays grabe sulit kahit medyo nararamdaman ko na, na nanghihina na ako. Marami kaming pinuntahan, Dumaan kami ng Vigan ng Thursday dahil gusto ni shawn na dumaan don.Saturday // 6 pm
Family dinner. Andito ang pamilya ni Shawn. Pamilya ko. Napangiti ako nang makitang kahit sa isang sandali nagawa namin maging masaya. Kahit na sumasakit ang dibdib ko, at nanghihina na ako. Naka-ngiti parin ako.Saturday // 9 pm
Stargazing. Andito kaming dalawa ngayon ni Shawn habang ang pamilya namin ay abala sa iba't ibang gawain."Alam kong pagod ka na, kanina ko pa napapansin na dumadaing ka na dahil sa sakit pero naka ngiti ka parin. Love, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kahit magkakalayo na tayo, hindi ako mapapagod na mahalin k—" pinigilan ko siya sa kung anong gusto niyang sabihin
"Wag mong isarado ang puso mo, matuto kang magmahal ng iba. Promise matatanggap ko kung sino man iyon" sagot ko habang unti unti ng tumutulo ang luha ko.
"The best ka talaga Maureen. Kaya mahal na mahal kita eh. Kaso anong magagawa ko." aniya na umiiyak na rinPinagmasdan ko ang kalangitan, Kinabukasan andyan na rin ako.
Napapikit ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Pumipintig ang ulo ko, ang dibdib ko naninikip. Pero kahit ganoon na ang nangyayari sakin pinilit kong huminga ng maayos. Makita mo man lang ngumiti si shawn.
"Love" sabi ko nang naka ngiti
"Ano?" Sabi niya na naka busangot
"Anong unggoy ang umiiyak?" Tanong ko
"Sige pag bibigyan kita sa kung ano man ang joke mo. Ano ito?"
"Edi si Shawn" humalakhak ako ng malakas dahil sa joke ko ang benta.
"Kinginamo nagawa mo pang mag joke!" Sabi niya at mas lumakas ang tawa ko nang nagpatuloy siyang umiyak HAHHAHAHHASunday //
"Pagod na ko Love, mahal na mahal kita." sabi ko dahil unti unti ng bumibigat ang talukap ng aking mata hudyat na matutulog na ko"I love you" aniya
Napangiti ako. Hinalikan ko siya sa labi at sumandal sakanyang balikat at dahan dahang pumikit ang aking mata.
Shawn's PoV
See you in heaven baby, I am also diagnosed with cancer. And I only got 1 month to live. Hindi ko na sinabi sayo kasi ayaw kong mas madagdagan ang bigat na nararamdaman mo.T H E E N D