A/n: So sa chapter 3, bumawi ako dun. Yon na ata ang pinakamahaba kong update sa lahat ng story ko eh, 2k plus words ata pero I know na hindi pa mahaba yun. So please read this chapter another short update, I hope you'll enjoy!
A V I A N A
"To complete her speech. I'm her future husband."
SILENCE
What the hell?!
What's going on with this guy? Future husband his ass! Narinig kong nagbubulungan ang mga estudyante sa klase biglang naalala ko naman ang kasunduan ni Dad sa isang business partner niya na hindi ko naman kilala kung sino, at yung sinabi ni Kinsleigh. Lahat pumasok sa utak ko this time. I can't believe it. This jerk? Okay lang ba parents ko?
"Okay class, settle down. Don't mind Mr. Silencio." Pagbasag ni Mrs. Mendez sa katahimikan. Agad namant nagpanggap ang mga kaklase ko na parang walang nangyari at walang nakarinig. Weird. So, Silencio huh? Nice surname, parang spell sa Harry Potter. Kapangalan ng eskwelahan-- ohh wait a minute. "Since kilala niyo naman ang heir ng mga Silencio... Let me introduce to you again. He is PJ Silencio his family is the owner of the school. Actually meron din silang eskwelahan sa Pinas. Maraming nasasakupan na lupain anh kanilang pamilya." O---kay? I don't care! Pero---
Bigla akong hinila paupo ni Xiarra. "Kanina ka pa nakatayo. Unli ka teh? Hindi ba nangangalay paa mo dyan?" Tanong niya sakin. Ugh wala ako sa mood ngayong araw.
"Ma'am, maaari na ba akong umupo?" Tanong ni asungot--- este PJ. Kala mo naman kung sinong santo. Kadiri pa nung pangalan, walang ka taste taste. Langkwenta!
"Sure Mr. Silencio. Maupo ka sa tabi ni Ms. Røugne." Napangisi naman ang gago. Aba mukhang enjoy na enjoy! Well samamtalang ako? Sirang sira yung araw ko!
"Pano ba yan?" Pangungulit niya sa tabi ko. "Katabi mo 'ko? Katabi mo ang nag iisang gwapo ay humble pala ako. Marami gwapo dito--- ako nga lang pinaka gwapo. Let me rephrase it. Katabi mo ang pinakagwapo sa eskwelahan na 'to. Temporary nga lang, pero kung gusto mo." Gumalaw siya ng konti para makalapit ang kanyang bibig sa'kinh tenga. Geez, nakakakilabot! "Sabihan ko ang adviser na magkatabi tayo for whole year." Dagdag pa niya.
Aba! Upakan ko kaya to? Feeler ang bwiset kadiri pa! Manyak pwe. "Thanks but no thanks. Pinaka ayaw ko ay ang makatabi ang isang hayop." I replied, geez super kadiri.
"Ah... hayop? Teka Miss!" Tawag niya kay Xiarra. "Ayaw ka daw makatabi ng babaeng to." Turo niya sa 'kin. Story maker! "Mukha ka daw hayop sabi niya." Lokong to!
Tinignan lang ako ni Xiarra na may halonh pagtataka. "Noooo! Story maker lang yung asungot na yan, Xia. Papansin kaya wag mong pansinin." Depensa ko.
Ngunit ngumiti lang siya ng nakakaloko tsaka tumayo. "Okay!" Baling niya kay asungot at agad lumabas sa room. Di pala namin napansin na wala na si Mrs. Mendez sa harapan. Mukhang pinabayaan kami since first day of school. So malaya na kaminy gawin kung anong gusto namin ganun?
Balak ko sanang pigilan si Xiarra ngunit biglang hinawakan ni PJ ang wrist ko. "Anong problema mo? May germs pa naman yang kamay mo!" Singhal ko pero di siya nag patinag. Seryosong tinignan lang niya ako. "Pwede ba? Kahit isang araw lang 'wag mokong bwisetin? Kairita ka!" Sigaw ko sa pagmumukha niya, ugh he keeps pestering me.
Nilibot ko ang aking mata sa paligid. Mukhang nasa amin ang attention nila. Nagsignal si asungot sa mga lalaki naming kaklase at agad naman nilang naintindihan 'yon. Iniwan na nila kami sa room. Nag smirk naman si asungot ss mga babae at iniwan din nila kami sa room. At eto, kaming dalawa nalang ang natira!
"Hmm, maybe next day? Pero bored ako ngayon eh kaya..." Di na niya magawang tapusin ang sasabihin niya dahil sinipa ko ang kanyang kayamanan! Ha pucha ka.
"Ooops, goodbye future babies!" I yelled at dali daling lumabas sa room. Just I thought, paglabas ko nandun ang mga kaklase naming nag aabang sa labas at napa 'whoa' sila sa ginawa ko. Natawa naman ako dahil narinig ko ang pagdaing niya sa pagsipa ko. Ha! Bagay sakanya yan.
Dali dali akong pumunta sa cafeteria para hanapin ang mga kapatid ko. Tutal wala namang masyadong pasok ngayon, sana matagpuan ko sila gaya ng kasunduan namin kanina. Si Xiarra naman... bahala siya, bwiset ako sakanya. For Pete's sake, she's my bestfriend then what? Ibebenta niya 'ko sa asungot na 'yon? Well, not literally pero para sakin yun yon! Aba magkalimutan nalang.
"Avy!" Rinig kong tawag sa likuran ko boses ni Kinsleigh yon ah? Lumingon ako sa likuran. Nandun sina Reverie na nag e-earphones uh, tulog? At ang walangyang Xiarra. Feeling close eh ano? Uh, close naman sila noon.
Naglakad ako papunta sakanila at hinampas si Xiarra gamit ang canned softdrinks na nasa mesa nila. Argh, badtrip na badtrip talaga ako sakanya. "Why so mean, Aviana?" Natatawang tanong niya. "Stop it, gutom lang yan." Tsaka inabutan niya ako ng fries which is my favorite. She knows me so well.
"Shibal." I uttered at umupo. "I hate you so much." Tinignan ko lang siya ng massma at bumaling sa fries. Kinain ko 'yon hanggang sa mabusog ako, kainis!
"Di mo ba tatanungin kung bat nandito kaibigan mo sa table natin?" Maka natin may pangalan may pangalan? Mukhang nabasa naman niya ang nasa isipan ko kaya tinuro niya ang nakalagay sa ilalim. Uh, oo na table nga namin to. Nakalagay na Røugne Sisters Only.
Tinaasan ko lang sila ng kilay. "Do I need to?" Kumuha ulit ako ng fries at sumubo.
"Come on. Alam nating lahat na curious ka." Kinsleigh said.
"Spill it." I'm not curious.
"Ahh, interesado." Panunukso nila except Rev. "Sinabi kasi ni Xiarra na naghaharutan kayo ni PJ sa r---" Di natuloy ni Kins dahil sinubuan ko siya ng sandamakmak na fries. Ahhh! Langkwenta
"Shut up!" I hissed. Takas mental mga 'to.
"Why you gotta be so rude~" Kanta ni Reverie na bagong gising. "Red days? Sungit mo naman." It doesn't mean na may dalaw ako, masungit na ako. Sadyang sira talaga araw ko ngayon.
"Don't you dare mention his name again." Natigilan ako ng may taong pinagkaguluhan ng mga estudyante.
Jerk.
May isa namang may ilang fans din. Sino kaya 'to? Bestfriend? Aba may bestfriend siya? Totoo ngang may himala. O baka bodyguard kaso di naman siya mukhang bodyguard. Just guessing.
"Speaking of the devil." Xiarra smiled as if tinutukso niya ako.
Rev glanced at me. As if she wants to tell me something. Kinuha niya yung phone niya na parang may tintext siya. Nag beep naman yung phone ko, kaya agad kong kinuha yun.
Reverie 'cute' Sage: Why can't you forget him?
That time, I know she's referring to... Xyf.
***