BACK IN THE DAYS

2 0 0
                                    


Ang sarap balikan yung dati...

Yung dati na hindi stressful yung buhay...

Yung dati na problema mo lang ay kung paano mo tatapusin yung project mo..

Paano ka mag rereport sa subject mo na Filipino?

Paano ka kaya sasagot sa teacher mo sa oral recitation niyo sa Araling Panlipunan?

Ano na kaya ang mangyayari sa presentation namin sa English?

Mataas kaya ang coverage ng long quiz namin sa Math?

Kumalma na kaya yung teacher namin sa Science?

Galit pa kaya sa Ma'am at Sir sa amin?

Yan yung mga munting problema mo dati...

Na kung tutuusin ngayon ay sobrang liit lang na problema...

Na kayang-kayang mong lutasin..

kumpara sa problema mo ngayon...

Dati hindi mo iniisip yung mga problema ng mga magulang mo..

Hindi mo iniisip kung gaano karami yung babayaran ng parents mo..

Hindi mo na lubos iniisip yung mga gastusin sa bahay...


Hindi mo iniisip kung ano kaya ang magiging future mo..


Dati hindi pa namumulat ang iyong mga mata sa katotohanan at realidad.

Kasi ang alam mo lang dati ay madali lang ang buhay...

Masarap nga ang DATI mong buhay..

Yung wala kang iniisip kung hindi ang sarili mo lang..

Subalit lumipas na yun...

At kailanman ay hindi mo maaaring balikan..

Kailangan mong harapin ang NGAYON...

Kailangan mong maging matapang para sa hinaharap.

Kailangan mong maging matibay sa lahat ng darating na suliranin..

WILD THOUGHTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon