🌬öńė šhøt

21 6 0
                                    



"Anak ko.. Ika'y aking ibababa upang bantayan ang isang taong dapat mong proteksyonan sa kahit anong kapahamakan anak inaasahan kita.."

"Opo panginoon tinatanggap ko po at pinapangako ko po na proprotektahan ko siya sa kahit ano na bagay."

"Maraming salamat aking anak.."
At bilang pagsunod nang anghel bumaba na sya nang langit at napunta sa isang tahanan na magarbo. May nakita syang batang lalaki na kasing edad nya lamang.

Ngumiti ang anghel sa bata at nagulat sya nang ngumiti din ito sa kanya di nya alam na nakikita sya nito..

"Bata laro tayo!"Masayang sabi nang anghel sa bata. "Sige!! Buti at pinapasok ka nang mga guard?" Tanong nang batang lalaki, "Secrettt basta wag kang magsusumbong sa magulang mo a?" Tumango na lamang ang bata sa anghel.

Nakangiti ang anghel habang naglalaro sila nang kanyang magiging alaga. Biglang nagtanong ulit ang batang lalaki, "Anong pangalan mo?? Ako si Clint!!" Sabay ngiti. "Ako si Erin ako ang magbabantay sayo."

"YAYA BA KITA?!" Tanong ni Clint sa anghel na si Erin. "Ngek! Hindi ah! sa ganda kong ito yaya lang?" Tumawa ang dalawang bata at nagpatuloy sa paglalaro habang tumatagal lalo silang napapalapit sa isa't isa at isang araw nagpromise ang dalawa sa isa't isa "Oi! Panget! Pag laki ko magiging girlfriend at asawa kita! I promise to be a very good husband and boyfriend to you!" Nakangiting sabi nang 13 years old na Clint kay Erin na kasing edad na nya.

"Sige sige kung makulit ka talaga! Oo na! Basta wag kang magiging pasaway a?" Masaya silang dalawang nagtatakbuhan sa garden ni Clint.

Nang dumating ang kinatatakutang gabi ni Erin dahil pinapatawag na sya nang langit upang bumalik na dahil tapos na nyang bantayan ito kailangan na nyang magpaalam sa kanyang kaibigan at sobrang napamahal na sya dito at di nya na kayang iwan ito pero kailangan nya gawin ito..

"Sorry Clint aalis na ko ayokong gisingin ka kaya magiiwan na lang ako nang sulat.." Hinawakan nang dalaga ang buhok nang binata at hinalikan ang noo nito.

'Hoi! Panget! Alagaan mo sarili mo ah? Wag na wag kang magpapagod at dapat kumain ka nang maayos! Kundi nako! Pepektusan kita! Basta yun hinding hindi kita makakalimutan at yung pinagsamahan natin tandaan mo lang, palagi lang akong nasa tabi mo, bye Clint ❤️

Dyosang Erin.'

Napatakan nang luha ang papel na sinulatan ni Erin di nya namalayan na umiiyak na pala sya.. 'Paalam Clint.. Hinding hindi kita kakalimutan..'

*Makalipas ang ilang taon*

Naaksidente si Clint na ngayong nasa coma sya.. Di alam nang kanyang magulang ang gagawin..

Muling pinapabalik si Erin nang panginoon sa ibaba upang bantayan si Clint. Sobrang saya ni Erin dahil makikita nya ulit si Clint ngunit nakita nyang nasa malubhang kalagayan ito doon na lamang sya nasaktan..

"Anubayan Clint! Bumalik na nga ko! Yan pa makikita ko agad? Hoi panget gising na!" Patuloy na ginigising ni Erin si Clint pero di parin ito nagigising.
Habang binabantayaan nya si Clint may pumasok na magandang dalaga umiiyak itong tumingin kay Clint. Napaisip si Erin na baka ito'y girlfriend ni Clint sumakit ang kanyang dibdib nang isipin ito naguguluhan man pero tinigil na nya ang pagiisip nito.

"Babe.. I'm so sorry but i still love you so much.." at umiyak na ulit sya at umupo sa inuupuan ni Erin.
"Aba'y bastos si ate! Kitang nakaupo ako e! Ay! Di nga pala nya ko nakikita engot lang!" Nakatingin si Erin sa dalagang umiiyak habang hinahawakan ang kamay ni Clint, Sana tao ulit ako para mahalin din ako ni Clint nang sobra tulad nang babaeng ito.. "Kaso haha hindi un magkakatotoo!" Tumawa ang dalaga sa kanyang naisip. Dahil ito'y napakamalaking kalokohan para sa kanya.

My Angel (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon