Hindi ko alam ulit kung bakit nagkaganito,
Hindi ko alam ko bakit nagsusulat ulit ako ng katulad nito.
Natatandaan ko nung huling ginawa ko 'to
Nung panahong naguguluhan pa tayo..
Sabi ko pa noon,
Mahal kita, hanggang ngayon.
Kahit ang labo sakin ng sitwasyon,
Yung hindi mo ko matanggap nang ganun.
Tinanggap ko lahat sayo, kahit hindi pa kita lubos na kilala,
Kahit ang basehan ko lang ay ang aking mga nakikita,
Ang hinihiling ko lang sayo simula pa nung una
Magtiwala ka din sakin sana.
Ayoko mag-isip kung alin pa ang totoo sa hindi,
Ayoko mag-isip kung ano pa ang mga mali,
Kasi lagi ko nalang natutuklasan may kulang o iba sayong sinasabi,
Bakit hinahayaan mong ito ay lumaki?
Wala naman sana akong pakialam sa kahit anong kapintasan mo,
Ang akin lang man sana, maging bukas ka ng buo,
Alam mo naman kasi kung anong pinagdaanan ko,
Mahirap sakin para ibigay ang tiwala ko mismo.
Huwag mo sana laging maliitin ang aking pag-intindi,
Kung bakit naman kasi isip mo sakin ay ganyan kaikli,
Pasensya ka na, hindi ko talaga maitatanggi,
Nawawasak ako ng paunti-unti.
Kung mayroon man akong kinalulungkot,
ay yun ay parang ang panaginip ay naging bangungot,
Kung bakit parang ako'y natuyot,
Dahil sa lahat ng iyong kasinungalingan na nakakabugnot.
Pakakatandaan mo sana,
Lahat ng pagmamahal ay may kalakip na tiwala,
Kahit saan ka mapunta
Eto dapat ang iyong dala.
Kung di mo maibigay sakin iyun,
Ako naman ay makakabangon,
Wag kang mag-alala wala akong galit na maitutugon.
Wala nalang talaga akong mailuha ngayon.
Wag ka na sana magtaka kung bakit ang laki ng inggit ko sa iyong mga dati,
Kasi alam ko sa sarili ko na sila talaga ang nakakakilala sayo ng mabuti,
Hindi na ako magtatanong ng kung ano pa,
Para hindi na ako masaktan pa..