Prologue

13 1 0
                                    

"I do," napapangiting sibayan ni Lea ang bride sa pagbigkas ng mga salitang iyon.

Naramdam niya ang mahinang pagpisil ni Jordan sa kamay niya na hawak nito.

"It'll be us, kung papayag ka na," mayamaya ay bulong nito.

Nakaramdam siya ng kaba. "I think we are too early of that," ani na lang niya.

"We've been together for almost three years. I think we have to plan na, hon. You are not getting any younger," tukso nito.

"You are not getting any younger Mr. Amorlo," siko niya rito.

Naramdam nila ang paglingon ng naka-upo sa kanilang harapan.

Ngingiti na sana siya para humingi ng paumanhin ay parang binayo ang dibdib niya ng makilala ang ginang.

"Mommy Gin?" tanong niya sa isipan.

Ngumiti ang ginang sa kanya ng masuyo bago nito ibinalik ang paningin sa paharap sa ikinakasal.

"Hey. Your hand's cold. You okay?" tanong ni Jordan. Hinawakan siya nito sa balikat ng hindi siya tumugon. Kumunot ang noo nito ng makaharap niya. "You look pale,"

"I'm okay. I think I just need to use the comfort room. Excuse me," mabalis na tumayo siya mula sa pagkakaupo at umalis papuntang banyo.

Nakita niya sumunod si Jordan sa kanya. "Hon, what's wrong?" umagapay ito sa kanya.

Humarap siya rito. "Kilala mo si Mommy Gin?" tanong niya rito.

"What? Who's Mommy Gin?"

"Yung babaeng nasa harap natin kanina,"

"Oh, that's Tita Gina," sagot nito. Kumunot ang noon nito, "Mommy Gin? You know her?"

"No. I mean, I think so. She looked familiar," ani na lang niya.

"Pinsan siya ni Mama. They're from London. Umuwi lang sila para sa kasal ni Ana. -"

"They?"

"Oo. Josh and Tita Gina." ani nito bakas ang kalituhan sa mukha nito." Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat. "Hon, what's wrong? You know Tita Gina and Josh?"

"Josh is Miranda. Not Amorlo."

"I am a Miranda, per se. Magpinsan si mama at si Tito Alfonso, ang papa ni Josh. We're cousins. Second cousins to be exact."

"Cousins," bulalas niya.

"Jordan," narinig nila ang isang tinig na nagmula sa likuran niya.

Nanigas siya ng makilala ang tinig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PB 01 - Six Years Without LeaWhere stories live. Discover now