Truth or Dare

638 6 0
                                    

Kaize's POV

"Beshh tingin mo papasa ako sa final quarter" talak ng bestfriend ko

"Oo naman" sabi ko sakanya

Ang kulit kasi nya!

Kanina pa ko naiinis dito eh! Mga sampung beses nya na ata akong tinanong kung makakapasa ba sya sa final sem namin

Tsk. Isa rin akong si tanga sinasagot ko rin sya

"Eh pano kung hindi" tanong niya ulit

"Kung kaltukan kaya kita noh! Alam mo kanina ka pa tanong ng tanong nakakainis ka na eh!" sabi ko sakanya

Pag-pasensyahan nyo na madaldal kasi

"Sorry naman kinakabahan lang ako kung ano result eh!" dada nya ulit

"Ganto nalang kapag nakapasa ka. Ililibre kita basta tumahimik ka ng isang oras Ok!" nakita kung ngumiti sya

Naku! Kaize nangaganib nanaman ang pera mo Dyusko!

"Ok sabi mo eh! Punta tayo sa bar" sabi nya na ikinagulat ko

Takte! Sa dami ng pwedeng puntahan BAR talaga

Mahina pa naman ang tolerance ko sa alak

Tas sabi nila pag-nalalasing ako gumagawa daw ako ng kababalaghan

Di pwede toh!

"Tsk. Gaga ka talaga. Ayoko dun noh! Alam mo naman ang nangyayari saakin pag naka-inom gumagawa ng kababalaghan" angal ko sakanya

Sana gumana Pleaseee..... Lord magsisimba na po talaga ako huhuhu!

"Hoy kaize at gwen ano yang kababalaghang narinig ko HAH!" nanining-kit pa ang kanyang mga mata

Tsk. Andito pa ang isa kung kaibigan na baliw hayy! -_-

"Tss. Angel ang lakas ng pandinig mo ano!" sabi ko sakanya

"Sadyang malakas lang ang mga boses nyo lalo na toh! Si gwen" matching with turo pa nya

"Hala nagsalita ang hindi maingay ano!" sagot naman ni gwen

"Talaga naman hindi ako maingay eh!" atungal naman ni angel

"Hoy! kayong dalawa gusto nyo pag-untugin ko kayo. Ang iingay nyo. Tumingin kaya kayo sa paligid nyo noh" sabi ko sakanila dahil pinag-titinginan na kami dahil sa dalawang ito

Hayyy! Sakit sa ulo. Daig ko pa ang migraine sa dalawang ito

"Ay oo nga hehe" tawa ni gwen

Tsk. Baliw na nga may sapi

Buti nalang hindi ako nahawa sa dalawang ito haha!

"Ngapala kaize ano yung kababalaghan na yun ha!" tanong agad ni angel saakin

"Ahh...Yun sabi kasi ni kaize saakin pagnaka-pasa daw ako sa final sem ililibre nya daw ako atsaka dapat manahimikm ako ng isang oras. So sinabi ko okay pero sa bar nya ako ililibre. Eh! kaso ayaw nya kasi diba pag nakakainom sya gumagawa sya ng kababalaghan" mahabang paliwanag nya

I'm Secretly married to a Casanova kingWhere stories live. Discover now