Chapter 5

26 0 0
                                    

Daniel's POV

Kakahatid ko lang kay Julia. Nagpaalam na kami sa parents nya,bukas samin naman. Masaya naman sina Tito at Tita.

Alam kong hindi mahirap mahalin si Julia. Mahal ko silang parehas ni Kathryn. Pero mas iba ang nararamdaman ko kay Julia. Ay bastusan ba ito? Hindi pa ko nagpapakilala ^_^V. Ako nga pala si Daniel John Ford Padilla. Separated na yung Mama at Papa ko,parehas silang artista. Pero hindi ako pumapasok doon,ayoko.

May business naman kami,about sa mga kotse at may resort din sa Batangas.

Sana mag-workout ang relationship namin ni Julia :)

------------

Kathryn's POV

Oh my God! Hindi ako mapakali dito sa loob ng kwarto ko. Nakaalis na si Papa at Mama. Si Manang at Manong naman umuwi din muna.

Kaya kami lang ni Enrique dito sa bahay namin. Hala naman.... Kinakabahan ako.

TOKTOKTOK

Napataas pa ko ng mga balikat kasi nagulat ako.

": Kathryn,dinner is ready na...

Ako: o-oo lalabas na ko.

Wooo!! This is it!!! Pinagpapawisan ako nga malamig. Kami lang dalawa dito. Kinakabahan talaga ako.

Magkatapat kaming dalawa. Walang nagsasalita. Tunog lang nga plato ang maririnig.

Enrique: I heard you're running for Suma Cum Laude of your batch?

Napatingin naman ako sakanya. Shemssss! Sya ang nag-open ng topic ohhh :")

Ako: oo... Running pa lang naman eh hindi pa sure.

Tumango lang sya tapos kumain uli. Ay yun lang yun? Nakakalungkot naman. Napabuntong hininga naman ako.

Enrique: something wrong?

Umiling nalang ako tapos nagpatuloy kumain. I helped him magligpit sa lamesa.

Tumapat ako sa lababo.

Enrique: ako na gagawa nyan.

Ako: ako na. Ikaw na nagluto,ako naman ang maghuhugas.

Enrique: you sure? Baka pagalitan ako nila Tito kapag nalaman nila na pinaghugas ko sila.

Ouch! Anong tingin nya sakin? Brat Girl?

Ako: for your information Mr. Enrique Mari Gil,hindi ako brat girl na iniisip mo. I can do what an ordinary girl can do. Simple lang ito sakin.

And I just continue what I'm doing. Naiinis ako.. Sa sobrang inis ko naiyak tuloy ako!

Enrique's POV

How stupid I am... Hindi ko naman yun sinasadya. Himdi kasi ako marunong magbiro man lang?

Hindi nakalampas sakin yung luha nya. Shit! She's crying because I offended her.

Hinantay ko lang na matapos sya,dirediretso lang sya hanggang sa nakataas na ng kwarto nya.

Hindi man lang ako nakapag-sorry sakanya. Tanga ko kasi eh. Bukas nalang ako naman magte-train sakanya...

She's The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon