two

2.4K 16 0
                                    


6/12/16
The McFadden Brothers 2

Luisita Mall.

Ibig sabihin malapit na si Mack sa bahay. Kung hihinto ang bus sa Travel Gate ay sasakay pa sya ng jeep papuntang Capitol Gardens kung saan sya nakatira.

Mabuti na lamang at sa Siesta nag-stop over. Tatawid na lamang sya ng kalsada at nasa bahay na siya.
Alas-otso pa lang ng umaga. Linggo kasi kaya hindi sya gaanong na-traffic at mabilis umusad ang Victory Liner na sinakyan nya.

Nakaka-miss din ang Tarlac, aniya sa sarili. Madalang lang kasing umuwi si Mack sa Tarlac dahil may pasok sya kahit weekend. At ang spare time naman nya ay nilalaan nya sa pagba-basketball at sa pagbubuhat. Halos wala din syang time para makipag-girlfriend dahil sa skeds nya. Kahit na maraming babae ang nahuhumaling sa kanya ay wala syang panahon.

Sino ba namang babae o lalake ang hindi mahuhumaling sa kanya. Briton ang ama ni Mack kaya mestizo ang hitsura. Six footer at matipuno ang pangangatawan. Halos mapunit ang T-shirt nyang suot sa laki ng dibdib nya. At dahil nga may dugong banyaga, hindi pangkaraniwan ang taglay nyang kagwapuhan. Light brown ang kulay ng kanyang buhok na namana nya sa kanyang ama. Ang haba nito ay tumatama na sa kwelyo kapag sya ay naka polo. Mapupula ang mga labi nito na akalain mong laging naka-ngiti. At ang pinaka nakakamangha sa parte ng mukha nya ay ang kanyang mga mata. Kulay grey ang mga ito at kapag natatamaan ng liwanag ay parang halos puti na lamang liban sa itim na tuldok sa gitna. Namana nya rin ito sa kanyang ama. Ngunit ang hindi namana ni Mack sa ama ay ang ilong. Hindi naman pango ang ilong niya. Medyo may kalaparan pero hindi ito masagwang tingnan.

Marami na ang nag-alok na mag-artistra siya pero hindi sya talaga interesado kahit alam nyang magugustuhan ito ng kanyang mama. May mga modeling gigs din syang ginawa siguro ilang taon na ang nakakaraan. Lumabas sya sa isang internet service provider ad at sa isang cola ad at ilang mga print ads...

Pero hindi ito ang passion ni Mack. Basketball at arts ang hilig nya. Fourth year na sya sa Architecture sa isang sikat na university sa Manila.

Two weeks pa bago mag-simula ang summer classes kaya nagpasya muna syang umuwi sa Tarlac para mabantayan na rin nya ang nagiisang kapatid na si Ralph bilang bilin ng kanyang Mama na nasa Korea ngayon dahil sa isang seminar. Bente anyos na si Mack ngayon at si Ralph ay disi-otso. Sa edad na iyon ay maraming kalokohan ang maaring gawin ng kapatid kaya minabuti na rin nyang bantayan ito.

"O, yung mga bababa ng Tarlac dito na po!" wika ng konduktor.
Isa-isang nagsitayuan ang mga pasahero para bumaba.
Pagbaba sa bus ay naginat-inat muna si Mack dahil halos tatlong oras din syang nakaupo. Pagkatapos ay binaybay na nya ang daan pauwi sa kanila.

********************
Mula sa labas ng gate ay dinig na dinig na ni Mack ang malakas na tinig ng radyo mula sa loob ng
bahay. Alam nyang nandoon si Ralph. Mukhang maagang nagising dahil siguro ay alam nya na dadating ang kanyang kapatid.

Dumukot sa bulsa ng kanyang pantalon si Mack at kinapa ang susi ng kanilang bahay na kahalo ng ilang mga barya. Pagkakuha sa susi ay ipinihit nito sa gate.

Lalo pang lumakas ang music ng buksan nito ang gate.

"Ang aga aga ang lakas magpatugtog ng gago!" inis na sabi nya sa sarili.

Pagpasok sa bakuran ay nanibago si Mack sa paligid. Andaming orchids. Akala mo tuloy ay orchid farm ang kanilang garden. At bagong pintura ang buong labas ng bahay. At maging ang lanai ay namumutawi sa halaman. Mga pako at mga dapo na nakasabit sa alulod.

Ibinaba ni Mack ang backpack sa ratan chair sa lanai.

Kakatok sana sya sa pinto ng napasilip ito sa bintana.

The Mcfadden brotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon