Prologue :*

119 0 0
                                    

~PROLOGUE~

KATH's POV

Lagi nila akong inaasar sayo na crush daw kita. Pero ang sinasabi ko, hindi. Tinatarayan ko rin lang ang mga nangaasar sakin.

Alam kong crush mo ako dahil sinabi mo saakin noon sa chat. Akala ko nung una, nagjojoke ka lang. Yun pala ay totoo na.

Hanggang sa dumating yung araw na nalaman na ng buong klase niyo na crush mo ako. Nakarating na nga rin sa adviser niyo eh. Pero alam ko namang normal magkacrush.

May ginawa na nga ding loveteam name eh saatin eh. Pero di ko yun pinapansin.

Hindi ko alam kung crush mo rin ba yung isa pa nating classmate, pero ang alam ko ay hindi pero ang pinapakita ko eh crush mo siya.

May nagkakacrush rin saking isa pa. Lagi kaming nagpapansinan nun. Di kami nagkukulitan, minsan lang maghabulan di katulad natin, halos araw-araw at di ko yun kinukurot. Di niya pinapakita na gentleman siya kasi siguro, bata pa kami. Pero sweet yan, binigyan ako ng gift nung Christmas and Valentine's Day.

Lagi tayong nag-aasaran, naghahabulan, at lagi kitang kinukurot pero bale wala lang sayo. Lagi rin tayong magkausap pag walang teacher at lumilipat ako sa upuan ng bestfriend ko para kausapin ka kasama si bestfriend ko. Hindi mo rin pinapakita pagiging gentleman mo, kasi siguro din, bata pa tayo. Sweet yan, kasi binigyan ako ng 6 Cupcakes nung Valentine's Day. Masaya kang kausap pero pilosopo ka. Hindi ko alam kung nagseselos ka sa isa lang nagkakacrush sakin.

Dahil katabi mo ang bestfriend ko, lagi siyang may tinatanong sayo. Alam mo, ako yung nagpapatanong ng mga yun. Ayokong ako yung magtanong kasi baka AWKWARD sayo.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin na CRUSH KITA. Di ko talaga alam kung bakit.

Natatakot akong sabihin sayo na CRUSH KITA kasi baka asarin ako ng mga classmate natin kasama ka na rin.

May balak akong sabihin sayo pero siguro, matagal pa. Sabi ng utak ko, sabihin ko na, pero sabi naman ng puso ko, wag muna.

Di ko alam kung sino yung susundin ko, pero sinunod ko ang puso ko.

Siguro hindi pa right time para sabihin sayo. Baka may gusto pang gawin sa God para sakin o satin.

Pero paano kung pagsinabi ko na sayo na crush kita, nalaman kong di mo na ko crush?

Paano naman kung pagsinabi ko sayo na crush kita, tapos crush mo pa rin ako?

M.U. Na ba tayo? O Ano?

I WISH pagsinabi ko na crush kita, crush mo pa rin ako. Pero God only knows it.

I WISH, masabi ko sayo yun at maniwala ka sakin.

DANIEL's POV

Crush kita, noon pa. Sinabi ko nga sayo ito sa chat eh.

Nung sinabi ko sayo na crush kita, medyo na Awkward-an ka. Syempre, sino bang hindi maaawkward-an dun?

Lagi nila tayong inaasar sa classroom. Di ko alam kung naaasar o nagagalit ka sakanila. Pero ako, hindi naman. Kasi totoo naman ang mga sinasabi nila na crush kita. Alam na nga ng adviser natin eh! Pero di ako takot. Kasi totoong CRUSH kita. Hindi dare o ano pa.

Lagi tayong nagkukulitan, naghahabulan at kinukurot mo ko. Noong Valentine's Day, binigyan kita ng 6 Cupcakes. Di ko alam kung bakit 6. Haha.

Lagi kong kausap yung inaasar mo saakin na crush ko. Di ko siya CRUSH. Pramis! Siya pa nga ata yung may crush sakin eh! Sa gwapo kong to!! :) Haha sariling puri? Di noh! Lahat sila sinasabi na gwapo ako! Dibaaaa?!

Alam rin ng family ko na crush kita, kaya suportado sila sakin. Masaya sila para sakin.

Close kayo ng kapatid ko, pero ako hindi. :( Alam kong naaawkward-an ka sakin kaya ganun. Pero..... Nevermind!

Ang ganda mo. Ang talino mo. Ang galing mo. Nasa iyo na ang lahat. Sabi nila. Pero para saaakin, wala pa ang lahat sayo, dahil wala pa ako. Haha, corny ko.

Ang mahirap lang saakin, heartthrob ako. Madaming may gusto sakin. Pag naging akin ka, mahirap, kasi baka saktan ka nila at worst, may gawin silang masama sayo. Yun ang kinakatakutan ko.

Ang mahirap naman sayo, sa sobrang ganda mo, madami ring may gusto sayo. Baka pag naging tayo, may umagaw sakin sayo. Ang hirap ng buhay! Grabe.

Wala pa saakin ang lahat kasi wala ka pa saakin. Di mo ako crush, di tayo M.U. Hay nako.

Pero paano kaya kung naging crush mo ako? Sobrang SAYA ko nun! Grabe! Pero parang hanggang pangarap lang ako. :(

Pero I wish maging totoo yun :)

I WISH! Sana nga mangyari yun. :))))

ABANGAN SA STORYANG ITO ANG MGA SUSUNOD NA MANGYAYARI!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi Guys! How's the Prologue?

Comment and Vote naman kayo oh! Sana subaybayan niyo ang story ko. :)

Wait for the update ;))

Thanks for reading! :****

Comment and vote please? 🙏

Follow me and message me for dedications. :)

Love ko kayong mga readers nitoooo. :)

PS: Btw readers, hihingin ko na yung opinions niyo about sa magandang title ng story ko. Comment or message me nalang. "I Wish" or "Crush Kita, Di Mo Lang Alam"? THANKS!!! :***

~xoxo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush Kita, Di Mo Lang Alam ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon