Pagtapos ng nakakapagod at sunod sunod na concert sa aming Live Trilogy III: The Wings Tour, sa mahigit labing-pitong cities sa sampung bansa sa buong mundo,
Sa wakas!!!!
Nakabalik na din kami ng South Korea para makapagpahinga.
Napaka fulfilling sa pakiramdam.
Lahat ng efforts, pagod, puyat at rehearsal,
Lahat WORTH IT.
SOLD OUT lahat ng tickets
Napuno ng ARMYs ang stadium.
Nandun sila lahat para makita at mapanood kami.
Ang lakas ng Fan Chant nila.
Ang ganda pagmasdan ng dagat ng ARMY BOMB kapag nakapatay ang ilaw.
Sumasabay sila sa pagkanta namin.
Kaya binigay namin ang lahat ng best namin sa bawat kanta at performances.
Sa next naman naming pupuntahan, isasama namin ang part ng Europe.
Malapit na naming matapos yung ibang part ng next comeback namin sa 2018.
Pero bago yun, nag grant muna si Bang PD ng isang buwang bakasyon.
YEHEYYYYY!!
Taehyung: "Aaarrgg! Sana naman kahit sa Jeju Island tayo pinagbakasyon? Grabe talaga si PD-nim! Uhuhuhuh"
Hoseok: "Mas okay na ito, kaysa sa walang break." (tinapik tapik balikat ni taehyung)
RM: "Hwag kang ganyan, Taehyung. Gusto lang ni PD-nim na makapagpahinga tayo mabuti. Gusto nya, makapag relax tayo kahit nandito pa din tayo sa dorm. Noon naman, ayos lang sa atin na kahit sa dorm lang makapagpahinga, Di ba?"
Jin: "Tama si Namjoon. (umakbay kay RM) Habang naka break tayo sa dorm, Jimin, (tinuro si jimin) tulungan mo ako minsan sa choreography natin sa "NOT TODAY" ah"!
Jimin: "Hyung! On break nga tayo, bakit kailangang may pag tutor?" (nag pout)
Jin: "Eh ikaw itong adik sa practice eh." ( -_- )
Jungkook: "Ako na lang bahala sayo, Hyung! (inakbayan si Jin) Basta ilibre mo ako ng pagkaen!!" (kindat)
Hoseok: (luminga linga) "Luh? Nasaan na si Yoongi??"
Jimin: "Dumirecho sa kwarto nya (sabay tawa) Pagod na pagod si 'Gramps', Hayaan nyo na. Taehyung samahan mo ako sa Subway!" (yumakap sa likod ni taehyung)
Taehyung: "Nakakatamad!" (sabay talikod)
Jimin: "Eh Gutom na ko! Sige na Taehyung! Sige na Please!" (nagpapa-cute)
RM: "Magpa deliver na lang tayo. Gutom na din ako."
Taehyung: "Don't forget the 'Coke', hyung!" (kindat)
BINABASA MO ANG
Recalling My Past Love
FanfictionYear 3 Class 3 No. 13 Min Yoon Gi "Hello, I'm Min Yoon Gi who lives in Daegu. I'm embarrassed that I'm writing a letter to a radio that I've always listened to. Our Korean language teacher asked us to write a letter that could be sent to a radio. ...