Bestfriend (Blog)

40 3 0
                                    

Lahat tayo ay may kanya-kanyang bestfriends o naranasan mag-karoon ng bestfriend.

Ano nga ba ang BESTFRIEND?

Sila yung taong alam mong tanggap yung pag-katao mo kahit anong ugali pa ang meron ka.

Sila yung tutulong sa iyo sa oras ng hirap, kagipitan, kalungkutan, bagyo, lindol, tidal wave at kung anu-ano pang sakuna.

Sila yung taong kakampi mo sa lahat, maski sa kalokohan.

Sila yung taong pinag-kakatiwalaan mo sa halos lahat ng bagay.

Sila yung taong hinding hindi mo iiwan, at hindi ka rin iiwan.

Sila yung mga pwede natin ituring na mga kapatid.

Ang mahirap diyan,

May mga bagay na di natin inaasahan na mang-yayari.

Mga pangyayari na mag-papabago sa takbo ng relasyon niyo.

Minsan hindi natin maiiwasan na isa sa inyo ang mag-kagusto or worse, MA-INLOVE..

Kung akala niyo, madaling ma-inlove sa bestfriend, nag-kakamali kayo.

MAHIRAP. Sobrang hirap. Yung tipong mapapa-iyak ka nalang. Dejoke lang.

Siguro mas pipiliin ko pang mag-sagot ng Math o kung anumang puzzle wag lang ang ma-inlove sa sarili kong bestfriend.

Mahirap. Ulit ulit. Mahirap. Unli eh.

Mahirap kasi hindi mo alam kung MUTUAL ba yung feelings niyo.

Kailangan talaga alam natin yan.

Kasi mahirap MAHULOG ng walang SASALO sa iyo.

MASAKIT. Baka mabagok ka. Charot.

Isa pa, ayaw nating MASAKTAN diba?

Ikaw, Ako, yung katabi mo, yung nasa likod mo, yung nasa harap mo, Lahat tayo takot makaranas ng SAKIT.

Pero hindi yan maiiwasan lalo na pagdating sa LOVE. Normal lang masaktan. Wag kang OA.

Kasi kapag nag-mahal ka, masasaktan ka. Package yan.

Kapag ang isang tao ay nasaktan, NAG-BABAGO.

CHANGE is inevitable and it's the only permanent thing in this world.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon