I Love You But I Lied (ILYBIL)

4 0 0
                                    

Kylie's POV
"KYLIE." sigaw ng kuya kong si Yoongi.
"Teka lang nagbibihis pa ako." sigaw ko sakanya
"Takte naman Kylie malelate na tayo oh." galit na sigaw pabalik ni kuya
"Kuya sandali na lang talaga." sabi ko
"Bahala ka sa buhay mo Kylie mauuna na ako sa kotse." rinig kong sabi nya

Yan si kuya Yoongi. Mabait naman yan ganyan lang talaga sya pagbagong gising. Kahit ganyan yan si kuya mahal na mahal ko yan, mahal din naman ako ni kuya kahit di nya masyadong ineexpress. Manang mana si kuya kay daddy habang ako manang mana kay mommy syempre. Kumuha na lang ako ng isang pirasong tinapay at yun ang kinain ko. Sa recess na lang ako mag-aalmusal.

"Antagal mo naman Kylie." bungad sa akin ni kuya pagkapasok ko sa kotse.
"Sorry na kuya, na late kasi ako ng gising." pag amin ko sa kanya
"Tara na manong kanina pa ako hinihintay ng mga kaibigan ko, may practice pa kami para sa opening ng school." sabi ni kuya sa driver

Sus kaya naman pala to nagmamadali eh dahil magkikita sila ng mga kaibigan nya. Sikat si kuya at ang mga kaibigan nya sa school dahil sobrang talented nila sakatunayan may banda sila na ang pangalan ay BTS. Sikat na sikat sila sa school namin halos lahat ng babae pinagpapantasyahan si kuya at ang mga kabanda nya. Pero dahil ayaw ni kuya na pagkaguluhan ako, hindi namin pinaalam na magkapatid kami. Kahit na mga kaibigan ni kuya ay di alam na kapatid nya ako. Okay lang naman din saakin dahil para naman din ito sa safety ko. Nauna na akong bumaba sa kotse, ewan ko lang kung kailan bababa si kuya.

"Jen" tawag ko sa bestfriend ko
"HOY KYLIE." sabay takbo at yakap saakin
"Namiss kita Kylie. Oh kamusta ka na?"
"Okay lang naman Jen eto maganda parin. ikaw kamusta ka na?" sagot ko sakanya
"Eto maganda parin kagaya mo." "nasan kuya mo?" bulong nya saakin

by the way guys alam ni Jen na kuya ko si Yoongi, infact crush na crush nya si Kuya. Di ko alam kung ano nagustuhan nya kay kuya pero sabi nya ang cool daw ni kuya. Hindi naman ako againts sa feelings nya para kay kuya infact boto nga ako para sa kanila.

"nag papractice para sa opening mamaya." sabi ko sa kanya
"nood tayo ah? halika na check muna natin classroom natin." sabi nya sakin na may halong excitement
"okay." sabi ko

Pagkatapos namin icheck yung classroom namin biglang nagtakbuhan yung mga babae sa field which is sign na na nagsisimula nang kumanta sila kuya.

"tabi."
"tumabi nga kayo."
"excuse me padaanin nyo asawa ni Yoongi."
"ate umalis ka sa harap ko."
"tumabi nga kayooooo."

grabe tong bunganga ni Jen. Habang hila hila nya ako yan yung mga sinasabi nya sa mga babaeng nakaharang sa harap namin. hanggang sa nakarating na kami sa harapan ng stage. Habang kumakanta yung banda nila kuya. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya.

"Hoy Kylie gusto mo ba si Jimin?" tanong ni Jen saakin na may halong tukso
"Hah? Hindi ah." dipensa ko
"Sabi mo eh. YOONGI I LOVE YOU." sigaw ni Jen kay kuya

Bakit ganito yung kabog ng dibdib ko? bakit bigla akong kinabahan sa tanong ni Jen? Hindi ko mapigilang titigan sya. Yung boses nya, yung galaw nya sa stage, yung mala anghel nyang mukha. He look so perfect on stage— erase erase erase.

Habang tinititigan ko sya di ko napansin na nakatitig na rin pala sya saakin. Buong performance nila nakatitig lang si Jimin saakin. Omg what to do? nababaliw na yung puso ko. Nagbigay na sila ng kanya-kanyang speech

"Maraming salamat sa pagpunta at pakikinig saamin, I love you." sabay kindat sa akin.... WAIT saakin? omg am i hallucinating? DID MR. PARK JIMIN JUST WINKED AT ME? hell no

To Be Continue

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You But I Lied (ILYBIL)Where stories live. Discover now