"Ok Mr.Lewis.Makakarating po kay Boss ang pinapasabi nyo.Goodbye po."Binaba ko na ang landline phone sa desk ko at buntong hiningang sumandal sa upuan ko.It's been 3hrs simula na pumasok ako pero wala namang Travis Lancellot Amadeus ang nadating.Sabi nya papasok sya sa kumpanya nya ngayon so bakit wala pa sya?Inabutan na naman ata ng katamaran ang isang iyon.
Bakit kasi naniwala ako sa kanya na papasok sya ngayon eh sinabi nya din sa akin yun ng maraming beses pero ni isa wala syang tinupad na papasok na sya.Ewan ko ba pero pakiramdam ko dissapointed ako dahil umasa talaga ako na papasok sya ngayon.
Matapos nya akong isama sa pagpaplano para sa kasal ni Sir Balance kahapon at matapos nya akong ihatid sa sakayan ng bus pauwi sa tinutuluyan ko ay sinabi nya na papasok sya ngayon.Kainis,naniwala ako.
Im sure miya-miya lang matatambakan na naman ako ng trabaho.Marami na naman akong papel na makikitang itatambak sa lamesa ko.Late na naman akong makakauwi sa apartment ko at panigurado na magtatampo na sa akin si Eiji.
Eiji is my little brother and he's special for me dahil kakaiba sya sa lahat ng mga bata.Eiji has a BrainDown Syndrome.Special child kung baga na may sariling mundo.Nang iwan kami ng Mama namin para sa bago nyang pamilya matapos mamatay si Papa ay sa akin naiwan ang responsibilidad para alagaan si Eiji.Hindi ako nagrereklamo dahil masaya akong alagaan ang kapatid ko pero syempre hindi ko maiwasang malungkot dahil wala akong masyadomg time sa kanya.Hindi ko sya masyadong matutukan ng ayos at laging sa bestfriend kong si Mickey naiiwan ang kapatid ko.Actually hindi alam ni Boss ang tungkol sa kapatid ko,dati kasi nago ako matanggap sa GFI ay maraming company ang hindi ako tinanggap dahil sa sitwasyon ko sa kapatid ko.Kesyo daw mas mabuting sa kapatid ko nalang ilaan ang oras ko.Ginagawa ko naman yun pero kailangan din namin ng pera pang gastos lalo na at nasa medication ngayon ang kapatid ko dahil nalaman namin na may problem sya sa puso nya.
Naawa ako sa kapatid ko dahil sa kalagayan nya,minsan hiniling ko na sana ibang tao nalang ang dinapuan ng sakit ng kapatid ko dahil ayokong mawala si Eiji sa akin.Sya nalang ang pamilya ko matapos kaming iwan ni Mama.Kaya ginawa ko lahat para makahanap ng trabaho.Nag apply ako dito sa GFI at inalis ko sa information ko naay kapatid ako na may BDS na sakit.Kaya laking pasasalamat ko ng matanggap ako kaya lang nabawasan naman ang oras ko para sa kapatid ko dahil nga may katamarang taglay ang Boss na meron ako.
Nakakainis lang dahil kahit gusto kong maghanap ng ibang trabaho para magkaroon na ako ng oras sa kapatid ko ay hindi ko magawa.Isipin ko palang na magsusulat ako ng resignation letter at ibigay yun kay Boss ay parang hindi ko kaya.Kaya nga kahit maganda alok ni Hans sa akin ay hindi ko parin tinanggap dahil pakiramdam ko pag umalis ako sa GFI ay may parte sa akin na magkukulang.Tanggap ko naman na sa sarili ko na kahit anong pilit kong tago sa nararamdaman ko para kay Boss ay hindi ko na magawang pigilan na bumalik ang paghanga ko sa kanya.Ang ikinakatakot ko lang ay baka mas lumalim ito at maging dahilan para mahirapan akong iwan si Boss.Ayokong umabot sa pagmamahal ang paghangang meron ako ngayon kay Boss kasi iba epekto sa akin.Tulad ngayon,nag expect ako na makikita ko sya dahil sinabi nya na papasok sya pero ngayong sa tingin kong hindi mangyayari yun ay heto ako at nadidissapoint.
Dapat si Eiji lang ang iniisip ko eh kaya lang dumadagdag si Boss.Sakit na sa ulo!
Umalis ako sa pagkakasandal ko para tapusin ang report ko na ibibigay ko kay Sir Paul ng matigilan ako ng may humintong bulto ng isang babae sa harapan ko na agad kong ikinalingon.
Nakatayo sa harapan ko si Ms.Annika Lopez yung isang member ng board na kung magmake up akala mo clown.Yung akala mo sitahin ako nung nakaraang araw dahil hindi ko maiharap sa kanila si Boss eh wagas kung sitahin ako.Dapat pala sinabi ko rin kay Boss kahapon na pinagalitan din ako ng clown na ito para tinanggal din ang isang ito.
BINABASA MO ANG
Secret Untold Series 2: Travis Lancellot Amadeus(Completed)
RomanceTRAVIS LANCELLOT AMADEUS, C.E.O of Grande Food Industry na ipinamahala sa kanya nang kanyang ama,Travis loves his Dad's company but he never get serious about it.Mahilig syang tumakas sa oras ng trabaho nya or simply says tamad syang pumasok kaya la...