Papayat 1

25 0 0
                                    

Kagigising ko lang. Maaga akong nagising dahil sa pag-iyak ng bunso kong kapatid.

15 kaming magkakapatid. Panglima ako at hindi naman sa pagmamayabang pero, ako ang pinakamalusog sa lahat.

Dumiretso ako sa lamesa para kumain.

"Hoy Chaby! Kakain ka agad? Punyeta ka ang taba taba mo na! Paunahin mo muna yung iba mong kapatid! Wala kang hiya!" . Bulyaw sa akin ni Tito; pangatlong asawa ni Nanay.

7 kaming magkakapatid kay Tatay; unang asawa ni Nanay. Pero dahil siya ay sumakabilang-bahay ay naiwan kami sa puder ni Nanay.

1 lang naman ang anak ni Nanay sa pangalawa niyang asawa.

At 7 ulit sa pangatlo; na si Tito ang ama.

"O e ano naman kung ang taba taba ko na? Pera mo ba yang ginamit pambili diyan? Hoy! Pera ng mga Ate at Kuya ko yan! Palamunin ka lang dito!" sigaw ko rin sa kanya.

Ang kapal ng mukha niya, siya nga itong palaging nasa bahay lang buong araw.

Kumuha siya ng kutsilyo at isinaksak sa sarili niya. Dali-dali akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kutsilyo.

"AaaAaaaaAhhhhh! Tulong! Sinaksak ako ni Chabyy! AaaAaaaaAaaAAhh!" Daing niya.

Pero nang naintindihan ko ang sinabi niya, bigla akong nanghina. Anoo? Ako ba ang sinisisi niya? Kasalanan ko bang tatanga-tanga siyang sinaksak ang sarili niya?

At dahil sa pagsigaw niya , dumagsa ang mga tao sa loob ng sira-sira naming bahay.

"T-teka! A-anong sinabi mo Tito? H-hindi ako ang s-sumaksak sayo! Ikaw ang sumaksak sa sarili mo!" Naiiyak Kong utal.

Lumapit sa kanya si Nanay para tulungan siya. Lalapit sana ako pero....

"Poutoungue ennaah mo! Wala kang utang na loob!! Hindi ka na nahiya !''
iyak ni Nanay habang sinasabunutan ako.

Ang sakit, ang sakit na mas kinakampihan niya pa yung kabit niya kaysa sa aking anak niya. Ganon lang ba yon? Hindi man lang niya aalamin yung tunay na istorya? Wala namang nakakita. Kaya bakit ako agad?

"A-arayy ko po Nayy! Hindi po ako ang sumaksak---" iyak kong saad pero pinutol ito ni Tito.

"Sinungaling! Sinaksak mo ako! Ang sabi mo nagseselos ka kasi nasa amin ang atensyon ng Nanay mo! Ayaw mong magtrabaho kasi ang gusto mo humiga at kumain lang! Kaya mo ako sinaksak para hindi ka na mahirapan pang magtrabaho!" giit niya.

Biglang may pumasok na tatlong lalaki at isang babae.

"May tumawag po sa aming opisina, may batang sumaksak daw sa kaniyang amain, maari ko po ba siyang makausap? Ako nga pala   Inday Buotih, galing po ako sa DSWD"
malambing na sabi nung babae.

"S-siya po! Siya po ang sumaksak sa akin! Sabi ni Tito habang tinuturo ako.

Maamo akong tiningnan ng babae. Magaan ang loob ko sa kaniya.

"Iha, tara usap tayo." Sambit niya nang may ngiti sa labi.

Sumama ako sa kaniya at lumabas kami ng bahay. Sumakay kami sa van at umalis.

"Pupunta tayo sa opisina ng DSWD ngayon. Kakausapin kita tungkol sa nangyari. Huwag kang matakot, hindi kita sasaktan" malumanay niyang sabi nang may ngiti sa labi.

Sa totoo lang, kinakabahan ako. Paano kung hindi niya ako paniwalaan? Paano kung ikulong niya ako?

Matapos ang isang oras na biyahe, dumating na kami sa opisina. Hindi ito kalakihan at hindi rin naman kaliitan. Tama lang yung lugar para sa mga gamit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oplan: MagpapayatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon