T

7 0 0
                                    

--------------------------
Gaano nga ba kahirap ipakitang hindi ka apektado sa mga taong naging dahilan kung bakit ka nahihirapan ngayon?
---------------------------




Tin's POV

I have a friend her name was Traekshana, She is my bestfriend, my jolly bestfriend before, my favorite person in the world and--

my suicidal friend.

Sabi nila having a Suicidal Friend is not easy as a pie. Yes, Oo alam ko hindi madali pero nagawa kong magtagal sa tabi nya hanggang sa huli nyang hininga.

I remember back then when we were so young, At the age of 7 she becomes my friend.

She is my playmate, She is the only one friend of mine. Her presence is wonderful, Her smile is so cheerful and her soul? It's beautiful than ever.

"Kunyare ikaw si wonder woman tapos ako yung kalaban mo, kailangan dapat matalo mo ako." Ani ni Traekshana habang naglalaro kami ng mga dolls.

Nasa kanang kamay ko si Wonder Woman at nasa kaliwang kamay naman nya si Anxiena.

'Anxiena' ang ipinangalan nya sa barbie doll na hawak nya. Maganda daw kasi pakinggan at bagay na bagay daw sa dress nitong black.

"Okay sige, pero anong gagawin ko para matalo ko si Anxiena?" Pagtatanong ko, Wala kasi akong alam sa nilalaro namin. Mahilig kasi ako sa mga love story nila ken at barbie. At sya naman mahilig sya sa mga labanan. Ni hindi ko nga kilala kung sino si Wonder Woman na tinutukoy nya, Basta makalaro ko lang siya. Okay na sakin atleast di ko ramdam na ako'y nag-iisa.

"Ganto kasi yan.." Itinuro sakin ni Traekshana kung ano ang dapat kong gawin para talunin ko ang masamang kaaway na si Anxiena.

Ipinakita nito sakin kung paano ang dapat na pag-galaw ng aking barbie doll at sa kung paano ko makikipag laban kay Anxiena.

"Ahh.. ganun lang pala, Sige tara na. Maglaban na tayo!" Masaya kong sabi sa kanya. Wala akong natanggap na salita galing sa kanya tanging pag-ngiti lamang ang tinungon nya.

"Hayaa!!! Nandito na ako!"

"Tatapusin kita!!!"

"Wahaaaayyaaa!!! Boooommm!!"

Mga salitang sinasabi ko nang magsimula na kaming maglaro.

Nakakatuwa dahil kahit papaano ay mayroon akong kalaro dito sa aming bahay. Hindi ako nag-iisa, sa kwarto na ito. Kahit papaano ay naiibsan ang aking kalungkutang nadarama, nawawala nang panandalian ang mga sakit na aking natatamo. At higit sa lahat gumagaan ang aking pakiramdam sa tuwing sya ay aking kausap.

"Traekshanaaaaa!!!" Malakas na sigaw ang aking narinig mula sa ibaba ng aming bahay. "Hay nakong batang ito laging pinapasakit ang ulo ko!!" Dagdag na pahayag nito.

Maya-maya'y nakarinig ako ng pihit ng doorknob.

"Nako nandito na sya, Paano yan? Tago-tago" Nangangamba at nangangatog na sabi ni Traekshana. Agad na napaharap ako sa pintuan sa sobrang takot na nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit.

TRAEKSHANA, My Suicidal FriendWhere stories live. Discover now