Pagkapasok namin sa kwarto siksikan na sila Antonette, Claudette, Kathleen, Kesie at Samuel sa isang kama. Ang bakante nalang ay ang sa tabi nila Kevin at Hera."Ikaw na ang tumabi kay Hera" saad naman ni Daniel.
"Paano si Trav?" tanong ko.
"Gusto mo ba siyang katabi? Pwede naman akong mag leave ng space sa gitna natin" saad naman niya.
"Wag na Daniel, mag tabi na tayo. Wala narin namang space" saad ko. Collega palang naman kapag sa sleepover nagtatabi na kami.
Kaya naman ganito ang naging ayos namin: Kevin, Hera, Ako, Daniel at Travis.
8:30 na ng magising ako, sobrang lapit ng mukha ni Daniel sa mukha ko kaya naman agad na akong bumangon dahil baka may makakita pa at kung ano pa ang isipin.
Buti nalang talaga at masarap pa rin ang tulog nilang lahat. Napansin ko din na wala na si Travis. Agad naman akong nag-ayos na sa bathroom para sa morning routine.
"Good morning po tita!" bati ko sa Mama ni Trav pagkatapos kong mag C.R
"Goodmorning din hija, handa na ang almusal" nakangiting sabi niya
"Sige po tita, gisingin ko na sila" saad ko naman.
Pagkapasok ko sa kwarto nandun na din pala si Travis para gisingin sila.
"Good morning" sabi ko
"Early bird talaga" komento naman ni Antonette.
"Tara na, kain na tayo mag swi-swimming pa tayo" paalala naman ni Samuel. Kaya naman sinunod nalang namin dahil nakakahiya sa Mama ni Travis na nag hain ng maaga tapos kami kukupad kupad.
Nagpa iwan ako sandali dahil inayos ko ang gamit ko at nag charge na din muna. Hindi ko naman inakalang pati pala si Daniel.
"Mag-uusap pa tayo diba?" saad niya ng palabas na sana ako, wala kasi talaga akong balak na pansinin siya.
"Mamaya, madami pang oras" saad ko at tuluyan ng lumabas, baka ano pang isipin nila kapag nahalatang wala kaming dalawa doon.
"Chris dito kana sa tabi ko!" saad ni Travis.
"Ayieeeee" kantyaw naman ni Kesie.
"Alam niyo kayong dalawa kahapon pa kayo nag momoment" saad naman ni Hera
"Bagay nga sila ehh" dagdag pa ni Antonette
Tahimik naman na umupo sa tabi ni Samuel si Daniel.
Last day na ng klase nun ng makasama namin si Travis. Hindi naman talaga siya part ng Barkada namin, pero nung minsang sinama ni Daniel si Travis sa Boulevard kung saan kami nag-inuman nun, naging ka close na din naming siya. At yun na ang start ng pagiging part niya sa barkada namin.
Hindi naman kasi siya mahirap pakisamahan, in fact ang dali nga para samin na kausapin siya at maka kwentuhan. Bukod pa dun kahit hindi niya pa kami ganoon kakila napaka caring na niya, siya halos mag alaga sa mga kaibigan naming lasing.
Fuckboy lang kung titignan si Travis pero sobrang bait niya grabe.
"Huy tumigil nga kayo baka marinig nila Tita" sabi ko.
"Bakit Chris hindi mo ba ako type?" nakangiting tanong ni Travis kaya naman kinatyawan nanaman kami ng barkada.
"Maging kayo nalang kasi para naman hindi na Nbsb ang bestfriend ko" sabat naman ni Clau.
YOU ARE READING
More Than You Know
HumorAng hirap magkaroon ng feelings sa isang taong hindi ka naman gusto, Ang hirap magtago ng nararamdanan na para kang laging nakikipag tagu-taguan. Pero mas mahirap palang magkaroon ng nararamdaman sa isang kaibigan. Ito ang kwento ko...