continuation of Mika's POV
Teka, hindi pa rin nag si-sink in sa akin lahat. Kumalas naman na ako sa yakap niya. "Hmm.. ano pong ginagawa niyo dito, tita?" Yes, si tita Betchay lang naman ang dumating at biglang yumakap sa'kin. Habang hindi pa siya nakakasagot ay inaya ko siya papasok. "Pasok po kayo" pumasok naman siya at ngayon ko lang din napansin na may bitbit siyang cake sa kanang kamay niya, syempre naka box pa ito. "Happy birthday, anak!" bati niya sa akin at niyakap muli ako pagkatapos iabot ang hawak niyang cake. Itinabi ko naman ito habang magkayakap pa rin kami. Sa kanya talaga nagmana si Vic. Parehas silang mahilig mangyakap. What!? Si Vic na naman?! Mika, compose yourself! Kaya mo 'yan! At ayun na nga, kasasabi ko pa lang sa sarili ko na kaya ko 'to pero ang mga traydor kong luha, nag una-unahan na naman. Lalong humigpit ang yakap ko kay tita. Hala, nakakahiya na. Sinigurado kong hindi niya maririnig ang maliliit kong hikbi kaya naman pinunasan ko ang mukha ko bago ako kumalas sa yakap niya. "Thank you po, tita" saad ko sabay ngumiti nang alinlangan, feel ko anytime tutulo yung mga luha kong kanina pang nagbabadya. "Sus, parehas talaga kayo ni Vic. Ang hilig niyong pigilan yang emosyon niyo. Sige lang nak, iiyak mo lang 'yan. I'm here. Mom-- este tita Betchay is here pero pwede din namang mommy na lang." pagbibiro ni tita sabay tawa. "Tita talaga" pagtawa ko rin naman habang umiiyak. Seryoso, mukha akong baliw dito. Feel ko tinatawanan na ako ni tita hahahauhuhu. "Hala tita pasensya na po sa kadramahan ko ha" paghingi ko naman ng paumanhin habang pinupunasan ang luha ko. "Parang iba ka naman, nak. Hindi ka dapat umiiyak ngayon eh, birthday mo kaya." pagcomfort niya naman sa akin. Mas lalo lang akong napaiyak. Hindi ko talaga alam kung paano ko mapipigilan 'tong mga luhang ito. Kusa silang bumabagsak eh. "Halika nga dito" aya nya sabay tapik ng espasyo sa tabi niya. Lumapit naman ako at tumabi sa kanya. Hinawakan niya ang kanan kong kamay at tumingin ng diretso sa mga mata kong patuloy naglalabas ng luha. "Alam mo, hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa lahat. Isa kang anghel, Mika. Sobrang salamat sa lahat ng pagmamahal na binibigay mo sa anak ko, kahit tinataboy ka na niya, kahit bumabalik ang pagiging pusong bato niya, hindi mo siya sinukuan. Maraming salamat, anak. At hindi ko rin alam kung paano ako hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa ni Vic sa--" itutuloy pa sana niya ang sinasabi niya nang hangganan ko ito. "Shh.. tita, hindi niyo po kailangan mag-sorry. Hindi rin naman po natin masisisi si Vic. Hindi po natin matuturuan ang puso niya kaya kailangan na lang po nating tanggapin kung ano o sino talaga ang gusto niya. At never magiging ako 'yun, tita. Kapatid at bestfriend lang ang tingin niya sa'kin. Kaso forever na si Ba---" naputol naman ang sinasabi ko nang humanggan si tita. "Shh... Anak, don't ever mention that name. I highly doubt it, Ye. Alam ko, deep inside Vic, there's a special spot for you. JUST FOR YOU." napatawa naman ako habang umiiyak pa rin "haha at 'yun nga po yung pagiging bestfriend and kapatid ko sa kanya" "No iha, it's more than that. Believe me." saka niya hinigpitan ang hawak niya, this time, sa dalawa kong kamay.
Nang makawala ang mga kamay ko sa kamay ni tita ay niyaya ko siya sa baba para ipaghanda ko siya ng makakain at para makain din namin 'tong cake ko. "Naku, iha. Huwag na. Busog pa ako at kung maaari sana Mika, pwede ba kitang mayaya sa bahay?" alinlangang tanong niya sa akin. Nabigla naman ako at napatingin ako sa wall clock 1:30 pm pa lang naman, so wala rin naman akong gagawin dito, kaso baka nandun si Vic. "Huwag kang mag-alala, wala dun si Vic" then she smiled with full of assurance. Ang galing niya talaga, feel ko nga siya yung may degree ng Psychology eh, kesa sakin. Hahaha.
Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Tita, kung ginagawa niyo po ito because of Vic, no tita, you don't have to do this po. Okay lang po ako. Kaya ko po" ngiti ko sa kanya. "No, I'm doing this because napamahal ka na sa'king bata ka. It's not giving back the favor dahil sa lahat ng pagmamahal na binibigay mo 'di lang kay Vic kundi pati sa'min. Kahit ngayon lang, Mika. Forget all the pain, alam kong hindi ganun kadali pero Mika, kahit ngayon lang. Let yourself feel that you are loved, na may pamilyang nagmamahal sa'yo at kami 'yun." Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. Thank you Lord! Kahit naman sobra yung sakit na pinaparamdam sa akin ni Vic, syempre out dito ang family niya. Kaya who am I to decline tita's request? "Naku tita, maraming maraming salamat po. Thank you ng sobra, tita. Thank y..ouu po..o" patuloy kong pag-iyak. Niyakap niya naman ako "Sige na nak, prepare yourself. Susunduin tayo ni tito Vito mo" at ayun nga, I prepared myself. Nang matapos na akong magbihis ay saktong dumating si tito Vito. Pagkadating niya ay nagmano agad ako at binati niya naman ako ng happy birthday.
Andito na kami sa sasakyan at hiyang-hiya ako sa kanila. Nababalot kami ng katahimikan dito sa kotse. Nasa passenger seat si tita habang si tito ang nagddrive. Binasag ko naman ang katahimikan. "Tito, tita, maraming maraming salamat po ah? Hindi ko po talaga alam kung paano ko kayo pasasalamatan sa lahat. Pasensya na rin po." Hiyang sambit ko sabay yuko. Pagtunghay ko naman ay nakita kong napatingin si tito sa salamin at ngumiti. "Naku, Mika, anak? Kami ang dapat magpasalamat sa'yo. Huwag kang mahihiya sa amin. Kami dapat ang nahihiya sa'yo dahil sa lahat ng sakit na naidulot ni Vi---" "Tito, wala po kayong kasalanan" pagputol ko naman sa sinasabi niya sabay ngiti. Ngumiti lang naman din si tito pabalik. Ganun din naman ang ginawa ni tita Beth.
Makalipas ang ilang minuto na byahe ay narating na namin ang bahay nina Tita. First time kong pupunta nang hindi kami magkasama ni Vic. Usually kasi siya ang nagyayaya sa'kin papunta dito every week--- Mika, stop okay? Kahit ngayon lang. Wala munang Vic. Hays. Okay! Hindi naman kalayuan sa condo na napili kong tirahan after that incident with Vic. Somewhere here in Pampanga lang din kaya 'di na kami masyadong nagtagal sa byahe. Pagkababa ko naman ay agad nila akong sinalubong ng mahigpit na yakap. Sobrang sarap lang sa pakiramdam. Andito sina kuya Jun, si baby Josh, sina ate Tin, sina Teytey, at ang iba pang pamangkin, titas and titos, at mga pinsan ni Vic. Napakilala niya na kasi sila sa akin dati at sobrang bait lang nila because they accepted me as part of their family. Maluha luha naman akong nakatingin kay tito at tita na nakangiti ng napakalaki habang abot-abot ang pasasalamat. I can finally say that, I'm loved. Hindi man ng taong mahal ko pero ng mga taong mahal ng mahal ko.
Thank you Lord for this family. I know that You have your plan. Thank You for giving me Vic though he caused me too much pain, he still gave me a chance to be part of his family.
Iyan lang ang nabanggit ko habang nakatingin sa itaas. I really feel that I'm home. I've never been this loved. I've never been not until I met this perfect family. Lalo ko tuloy na-miss ang mga kapatid ko pati sina mama at papa.
a/n:
So, ayun po muna. This is the part 1 of Chapter 3. Masyadong mahaba ang naiisip ko kaya kailangan kong lagyan ng part 2 hihi. Comment your suggestions down, and again, sorry for the typogrammatical errors. I hope you liked it! Don't forget to vote! And you can follow me on Twitter @mikayeyerz 😁 Thank you and God bless! 💚
BINABASA MO ANG
Fulfilling Our Destiny
FanfictionWe all know that love requires pain. To be able to win in love, you have to bear so much pain and a lot of sacrifices. Let's witness the story of two great lovers who proved that with love, all their sacrifices and all the pain that they've been thr...