CHAPTER 1

2 0 0
                                    

SIERRA'S POV

Mahal kita Sierra", wahhhhh mahal niya daw akooo!!! Okay kalma ka lang Sierra. Kunyari di ako masyadong affected.

"Mahal din kita", teka ano nga palang pangalan nito??.

"U-uhmmm. Ano nga palang pangalan mo?"

"Ako? Ako si-"

"SIERRA GISING NA!!! MALE-LATE KA NA ANO BA!", ate?

Bakit naririnig ko sya?? Nasa panaginip ko  ba sya?

"HOY! GISING NA!"

"hmmm?" yan na nagising na ako huhuhu.

"ANONG HMMM? MALE-LATE KA NA HOY! BANGON NA!" umagang-umaga ang lakas-lakas ng boses ni ate.

"Opo" sabi ko at bumangon na, lumabas na din si ate sa kwarto ko.

Nga pala, ako si Sierra Claire Del Rosario 15 years old at kasalukuyang nasa 10th grade sa isang public school malapit saamin.

Yung kanina namang malakas ang boses ay ang ate ko. Gurang na sya at matanda (ate: HOY NARIRINIG KITA!!). Tingnan niyo galit agad. Tinawag lang na gurang eh.

Mierra Zane Del Rosario naman ang pangalan ng ate ko. 23 years old na sya.

Sa kasalukuyan (waw ang lalim), ang pinagkukunan namin ng pera ay ang naiwang restaurant samin ng parents namin.

Namatay daw yung parents namin dahil sa car crash, 3 years old palang ako nun kaya nalaman ko lang to sa kwento ni ate. Lumaki kami sa ampunan, wala kasi kaming kilalang kamag-anak, only child lang kasi yung mga parents namin kaya wala kaming mga tita at tito.

Nung nag-18 na si ate, umalis na kami sa ampunan at si ate na yung nag-alaga sakin since then.

"HOY SIERRA ANG TAGAL MO DYAN? NILAMON KA NA BA NG INIDORO?", tss, yan na sumisigaw na yung chimpanzee.

Pumunta na ako sa kusina dahil sigurado nandun na si ate.

"Oh, kain na", sabi niya habang lumalantak ng tinapay. Waw ah kalmado na sya.

Nga pala, may kasalanan pa pala sakin toh...

"Uy teeeee!!!", sabi ko habang naka pout. Paawa epek yan bwahhahhhaha.

"Oh?? Napano ka nanaman?"

"Malalaman ko na yung pangalan ni Mr Right ko ehhhh!! Malapit na niyang sabihin ehh! Nue ba yan, di ko tuloy nalaman yung pangalan niya", Naman kasi ehhhh huhuhu. Ayun na eh, malalaman ko na yung pangalan niya eh.

"So? Pake ko?"

"Ihhhhh naman kasi ehhhh huhuhu", ilang araw kong hinihintay yung pagkakataon na matanong ko yung pangalan niya. Kaso pag malapit niya nang sabihin yung pangalan niya, bigla naman akong magigising.

Parang ayaw talagang malaman yung panangalan niya.
Actually, tuwing may boyfriend, lover, partner or something like that ako sa panaginip ko, sya lagi yung kapartner ko.

Sa totoo lang, ang alam ko lang sakanya ay matangkad sya.

Pero kahit yun lang yung natatandaan ko pagkagising ko, alam ko na sya yun pag nasa panaginip ko.

"Tapusin mo na yang pagkain mo. 7:50 na, late ka na", sabi ni ate at naglakad na papunta sa kwarto niya.

Waahhhh oo nga noh?! 7:50 na!!!!!!!!

At syempre dahil maganda ako, tumakbo na ako papuntang school.

*after 15 minutes of running*

Hooo! *hingal hingal* pagod na ako...

Married?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon