Zodiac 1

445 21 11
                                    

~ZODIAC 1~

Third Person POV


Celestia
Elysium - Scorpio's chamber

Isang maliwanag na lugar. Puno ng kumikinang na bagay. Buhangin na lupa. Sa itaas at paligid ay kadiliman na puno ng mga kumikinang na mga bituin

Sa isang upuan na gawa sa purong ginto ay makikita ang isang lalaki. Isang lalaking nagtataglay ng kakaibang hitsura at awtoridad. Nakatingin ito sa isang alakdan na gumagapang mula sa kanyang daliri papaakyat sa kanyang braso


Bigla namang may lumabas na liwanag sa kanyang harapan at lumitaw ang isang lalaking may mala adonis na mukha at katawan


"Ako pa lang ba?" - tanong nito sa lalaking nakaupo sa gintong upuan


"Paparating na rin sila" - sagot nito at wala pang dalawang segundo ay isa isang nagsulputan ang kakaibang liwanag sa lugar. At ng mawala ang mga liwanag ay lumitaw ang mga lalaking nag aangkin rin ng kakaibang hitsura at presenya

"Ikaw pa rin ang palaging nauuna saatin Virgo. Walang kupas" - sambit ng lalaking mayroong kulay asul na buhok at bughaw na mga mata, si Sagittarius


Kaagad na naupo sa upuan na gawa sa kakaibang materyales ang lalaking mayroong kulay gintong dilaw na buhok at gintong mga mata

"Hindi pa ba tayo mag uumpisa?" - ani nito na nakataas noo habang prenteng nakaupo na parang hari, si Leo


"Wala pa si Gemini" - sambit ng lalaking may itim na itim na buhok at kayumangging mga mata, Capricorn


Nagkanya kanya na ring upo sa upuang nakapalibot ang mga lalaki at di nagtagal ay lumitaw pa ang isa pang liwanag


"Wooh! Nahuli ba ako?" - tanong ng lalaking lumitaw mula sa liwanag


"Kailan kapa dumating sa oras Gemini?" - bagot na sambit ng lalaking may matang kulay lilac na tila palaging inaantok, Pisces


"Bakit ba kayo narito sa aking dominion?"


Nagsitinginan ang mga lalaki sa lalaking nakaupo sa gintong upuan. Nasa may balikat nito ang isang alakdan


"Alam kong alam mo kung bakit kami naririto" - sagot ni Capricorn


Tumayo naman malapit sa gitna ang isang lalaking mayroong kulay rosas na buhok gayun din ang kaniyang mga mata, si Libra

Ipinitik nito ang kanyang dalawang daliri at lumitaw ang mga scenario sa gitna ng labing dalawang lalaki


Mga scenario ng aksidente, krimen at pagkamatay ng tao sa ibat ibang paraan

Napatingin sila sa gilid lamang ng lugar kung nasaan sila kung saan ay kitang kita ang pagsilaglagan ng mga kumikinang na mga bituin



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ZODIACWhere stories live. Discover now