Chapter Eight

11 1 0
                                    

Tahimik na namumuhay ang pamilya Lento. May isang mabait na ina, masipag na ama, masiyahing mga anak.

Perpekto na sana ang lahat, ngunit tulad ng mga nasa storya, may isang plot twist na sisira.

Sa kailaliman ng gabi, may mga lalaki na pumasok sa kanilang bahay. May mga patalim, baril at malalaking masel na kayang baliin ang leeg nang isang batang babae na walang kahirap-hirap.

Nang marinig ang kaluskos sa kanilang bahay, agad bumangon ang ama ng bata, ngunit isang putok ng baril ang sumalubong dito. Gayundin ang ginawa sa kanyang ina.

Nasaksihan niya lahat. Nasaksihan ni Harmony lahat.

Kahit na sa butas lamang ng kanyang pintuan tumingin si Harmony, malinaw niyang nakita kung paano kinitil ang kanyang mga magulang.

Takot na takot siya. Ano nga bang dapat gawin ng isang batang katulad niya?

Napatingin siya sa kanyang kapatid na babae. Baka pumasok ang mga lalaki sa kwartong ito. Wika ng kanyang isipan.

Dahil sa pagkataranta, agad binuhat ni Harmony ang kanyang kapatid at itinago ito sa ilalim ng kama. Nagtago naman siya sa kabinet at tahimik na umiyak.

Hindi siya nagkakamali. Pumasok nga ang mga lalaki sa kanilang kwarto at tila may hinahanap. Hinalungkat ang lahat ng drawers at nang maramdaman niyang tumapat na ito sa kabinet na kanyang pinagtataguan.

Nagmamakaawa ako. Kung totoo man po na may Diyos, huwag naman sana nila akong makita.

Ngunit nagkamali si Harmony. Binuksan ng mga lalaki at nakita siya--humahagulgol at nanginginig sa takot.

Para lamang siyang manika na binitbit sa pamamagitan ng maikli niyang buhok at ihinagis sa sahig. Duguan ang kanyang ulo at nagkunwari siyang patay na.

Mali ka mama, hindi totoo ang diyos. Hindi niya tayo pinotektahan tulad ng sabi mong ginagawa niya,

"Wala na tayong mahahanap dito, Abno. Puro basura ang nandito." wika ng isang lalaki.

"E paano kaya kung kuhanin natin itong bata at i-kidnap for ransom?"

K-kidnap for ransom? Ano iyon? Hindi tinuro ni Mama sa akin ang salitang 'yon Tanong niya sa kanyang isipan habang nakikinig.

"Gago ka, Joshua. Kita mong pinatay na natin ang magulang niyan, sino pa ang magbabayad para diyan? Wag kang tanga. Hindi ka nagmana sa akin."

A-ano ang ibig sabihin ng salitang gago at tanga? Ano iyon?

"Umalis na tayo dito, Antonio. Baka may makakita sa atin. Tara na."

Dala ang lahat ng alahas at pera, iniwan nila ang bahay ng mga Lento na nakaawang at para bang walang ginawang masama.

Nahihilong lumabas ng kwarto si Harmony at nakita ang kanyang ina't ama. Niyakap niya ito at hinalikan.

Mama, papa. Panaginip lang ito, hindi ba?

Sumikat ang araw at may isang kapitbahay na nakapansin na maaga pa lang, bukas na ang pinto ng pamilya Lento. Pumasok ito at nakita ang mga bangkay habang si Harmony ay nasa kwarto, kayakap ang kanyang kapatid, mulat na mulat ang mata sa nangyari. Naging balita sa buong bayan ang nangyari sa pamilya Lento. Nagising ang kanyang nakakababatang kapatid na mayroong mga pulis sa paligid nila.

"'Te, anong nangyari?" Umaga na nang magising ang kanyang kapatid. Ni hindi man lang alam kung ano ang nangyari. Mula sa ilalim ng kama ay nailipat ito ni Harmony pabalik sa kama. Nagising ang kanyang nakakabatang kapatid dahil sa ingay ng wangwang ng pulis, ambulansya at mga tsismosang nakasilip sa bintana. Ito'y nasa tatlong gulang pa lamang.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon