Forever Got Wrong

5 0 0
                                    

Plak!
"Woh. Woh", reaksyon ni Leo. May isang estranghero siyang nakabanggaan dahil sa kanyang pagmamadali. Late na kasi siya sa kanyang board meeting sa kanyang kompanya, ang L & N Company. Itinayo niya ito 2 years ago. Mula sa pinamanang yaman ng kanyang ama ang ipinagpatayo niya sa kompanyang ito. Ulila na siya at tanging mga empleyado na lang niya ang kanyang pamilya. Namatay ang kanyang ama dahil sa sakit sa puso at ang nanay naman niya ay namatay 2 years old pa lang siya dahil sa kidney stone.
"Leo? Is that you?", nagtatanong at halatang gulat na gulat na sabi ng kanyang nakabanggaan.
"Nancy? Long time no see. You look great", hingal na sagot ni Leo nang mamukhaan ang nakabanggaan.
"Same here. It's been 7 years huh. You've changed a lot. That weird nerdy wearing round eyeglasses turns to an awesome man now. How are you?", sagot ni Nancy na may halong pagpuri.
Di maikakaila ni Leo ang mga pagsasalarawan sa kanya ni Nancy.
Natatawa siyang balikan ang kanyang senior high school life. Masyado siyang nagfocus sa kanyang pag-aaral. Isa siyang STEM student. Matalino. Athletic. Pero di maikakaila ang kanyang pagkaweirdo sa kanyang suot na eyeglasses. Mukha siyang wizard sa Hogwarts, wizardy world sa Harry Potter series. Basketball player kaya kahit papaano ay maraming napapatiling babae. May hitsura naman siya ang problema nga lang ay ang kaweirduhan ng kanyang ayos.
Kung magrereunion nga siguro ngayon ay tiyak na hindi siya makikilala dahil sa laki talaga ng kanyang pinagbago. At tanging ang tulad lang ni Nancy ang makakakilala sa kanya, ang kanyang number 1 fan. Grade 10 lang si Nancy noon at siya naman ay nasa Grade 11 na. Magkalapit lang ang room nila. Kaunti lang naman ang estudyante sa Angel Heart International School. Tanging ang mga maykaya lang ang napasok dito. Wala pa ata sa 350 ang population ng school. Tama lang para magkakilanlan ang mga tao dito. Pero di naman mga mahihina ang mga tao dito. Katunayan ay nakarating na sa ibang bansa ang mga mag-aaral dito para makipagtagisan ng talino sa isang prehisteryosong kompetisyon, ang Super Math Olympiad International na ginanap sa Singapore at naiuwi naman ang ikalawang pwesto.
"O, natulala ka na.", nagbalik ang kanyang ulirat ng nagpapitik ng daliri si Nancy.
"Ala, oo nga. Ano ba 'yan.", waring nabigla si Leo sa pagkakabalik ng kanyang ulirat.
"Mukhang nagmamadali ka kanina. Saan ka ba pupunta?", tanong ni Nancy sa kanya.
Napatingin na lang siya sa kanyang relo nang biglang...
"Patay ka na nga po. Shit! Late na ako.", napaiglas si Leo sa kanyang nakitang oras. 7:35 na late na siya ng 15 minutes. Supposed to be ay 7:15 ang meeting. Ganunpaman ay pinilit pa rin niyang tumakbo at magmadali habang sinasabi...
"See you when I see you, Nancy", papalayong sigaw ni Leo.
"Sure", pasigaw na sagot ni Nancy.
Ngiti ang naiwan sa kanilang mga labi ng umagang iyon.

CHAPTER 1: Nancy
Si Nancy ay isang mahiyaing babae pero hindi mawari ang kapal ng mukha kapag usapang pag-ibig na. Galing siya sa isang marangyang pamilya. Katunayan nga nito ay sila ang may-ari ng  isang kilalang mall, ang Momo Land Supermall sa may Makati City. Nagtataka ang mga tao dahil hindi mo siya mapagkakamalang nagmula sa mayamang angkan dahil kung mag-aayos siya ay napakasimple. Isang t-shirt at jeans lang ay sapat na style na para sa kanya. Matatawa ka na lang. Magandang babae si Nancy. Maganda din ang hubog ng kanyang katawan, pwede pa nga siyang pangmodel, isama pa ang brown eyes niya.
Kringgggggg. Nagwawala na ang alarm clock pero si Nancy ay nakahilata pa rin sa kanyang kama. Di na 'to bago kaya lagi siyang late sa klase ng mga 3 minutes. I repeat, 3 minutes.
Wait. There's more. Sabado nga pala ngayon.
Akmang papatayin na ni Nancy ang kanyang alarm clock nang biglang ..
"Argghh! Ouch. Buwiset.", singhal ni Nancy nang mapatakan siya ng alarm clock. Kinamalas-malas. "Hay! Bakit di ko ba naman napatay ang alarm clock na 'to kagabi. Sabado nga pala ngayon. Ang sarap sarap matulog e.", reklamo ni Nancy sabay balik sa pagkakatulog.
Late nang nagising si Nancy. It's already 10:35 in the morning at kasulukuyan na siyang kumakain ng kanyang breakfast. Wala ang magulang niya at maagang umalis para magtrabaho.
"Lola Erns", tawag niya sa kanilang kasambahay "makikikuha naman ako ng juice sa ref, nalimutan ko lang", pakiusap ni Nancy.
"Sige po Señorita", sagot ng kasambahay.
"Maraming salamat po", sabi niya.
Matanda na ang kanilang kasambahay na si Lola Erns, di pa siya ipinapanganak ay kasambahay na nila ito. Ito ang nagsilbi nilang Lola sa kanilang bahay. Inalagaan nito ang 2 pa niyang kapatid na lalaki, sina Jack at Stephen na kapwa maton kaya hiral siyang makahanap ng lovelife dahil kailangan pasok sa standards ng mga kapatid niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever Got WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon