"Una, i-prepare mo muna lahat.. Picture, Buhok, Papel, ballpen, yang puso mo at ang isip mo. Sure ka ba talaga na gagawin mo to?" Huminga siya ng malalim. "Isulat mo yung pangalan niya sa papel ng pitong beses.. Tupiin mo yung papel na sinulatan mo kasama ang buhok saka yung picture niya..."
Kathryn Chandria Manuel Bernardo, Kathryn Chandria Manuel Bernardo, Kathryn Chandria Manuel Bernardo, Kathryn Chandria Manuel Bernardo, Kathryn Chandria Manuel Bernardo, Kathryn Chandria Manuel Bernardo,Kathryn Chandria Manuel Bernardo
Hindi naman daw kailangan na may sundin ka kung paano isusulat ang pangalan niya. Basta lang daw Kompleto ang pangalan niya okay na, tapos tupiin daw kasama ang picture at buhok. Ilagay sa ilalim ng unan. Baliktarin ng Pitong beses. At tapikin ng pitong beses.. Sandali nga.. Pinagloloko yata ako ng Albie na yun eh! Bakit puro pito tong sinasabi niya?
Di bale na nga.. Wala naman na masama kung susubukan diba? Continue Daniel. Continue.
Pagkahiga ko daw eh, Mag-isip daw ako ng pitong ng bagay na gusto kong manyari. At gagawin ko daw to.. for 7 nights. At ngayon ay ika-4 araw na.
Kathryn..
Kathryn..
Kathryn..
Kathryn..
Kathryn..
Kathryn..
Kathryn..
********
"Ano? Ginawa mo na?" untag ni Abie kinabukasan sakin.
"Ang alin?" pagmamaang-maangan ko. Alam ko naman yung tinutukoy niya eh!
"Yung Love Spell na tinuro ko sa'yo.." Sabi sa inyo eh..
"HINDI!! Malay ko bang gino-good time mo lang ako!?"
Tinaas at baba niya naman yung balikat niya. "Hindi ko nga rin alam eh.. Hindi ko pa nata-try.. pero sabi ng kaibigan ko.. Wag mo daw ipagsabi sa iba, para effective.. Sige pare.." Tumalikod naman siya. Tignan mo to. Wag ko daw ipagsabi sa iba, eh tinatanong naman niya.
Oo na. Alam ko. Ang Corny-corny ko. At ang tanda tanda ko na sa Lovespell na yan. Ikaw ba naman tong inlove? Hindi mo ba susubukan lahat para lang mapasa'yo ang taong mahal mo? Lalo na kung isang Kathryn Bernardo yun.
"DJ.. Ready ka na bukas?" tanong ng bestfriend kong si Julia na nakapatong sa harapan ko. I mean sa desk. Sa desk. Kayooo. Ang sasama ng iniisip niyo.
"A-anong meron bukas Julia?" sabi ko at inayos ang salamin ko. Oo na nga. Di ko naman dine-deny na apat ang mata ko eh.
"Psssh.. Wala ka talaga. Walang wala." tapostumalikod siya. Ano naman yun? Anyare sa babaeng yun?
Masama na ba ngayon na may makalimutan akongmga bagay-bagay? Sorry! Hindi ko alam. Di bale mamaya Julia ikokompisal ko na nakalimutan ko anong meron bukas.
BINABASA MO ANG
Salamat Enrique.[KathNiel 1 shot]
FanfictionANONG GAGAWIN MO PARA MAPASAYO ANG TAONG MAHAL MO? ANONG KAYA MONG GAWIN PARA MAGINGKAYO?