True love exists even in the youngest of hearts.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦
"Emmaline, will you marry me?" Nakaluhod ako sa harapan ng babaeng tinitibok ng aking puso. Sa wakas, magkakaroon na ng katuparan ang aming mga pangarap.
Napasinghap siya ng makita niya ang diamond engagement ring sa mga palad ko. "Andrei..." Naluha siya. Matutupad na rin ang pinapangarap naming happily ever after. She's my Snow White and I am her Prince Charming.
"Andre-"Hindi na nakasagot si Emmaline nang may biglang dumating na babae, ang babaeng pinakaayaw ko ng makita.
"I believe you are asking the wrong woman, Andrei Declan Daciano. Dalawang buwan na akong buntis at ikaw ang ama."
Napabalikwas ako ng bangon. Umaga na pala. Binangungot na naman ako. Napanaginipan ko ulit ang simula ng pagkawasak ng aking buhay. Napalingon ako sa bedside table ko. Kinuha ko ang larawan namin ng aking prinsesa. Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha. Naalala ko ang una naming pagkikita.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦
♫♫♫For the first time I am looking in your eyes
For the first time I'm seein' who you are
I can't believe how much I see when you're looking back at me
Now I understand what love is..Love is.. For the first---♫♫♫
Pinatay ko agad ang mini-casette recorder ni Mama. Hindi ko na pinatapos ang kanta. Punong-puno ng kasinungaling ang awiting iyan. Kasinungalingang kinamatay ng Mama ko. "Hintayin mo lang ako, Mama. Magkakasama na tayong muli."
Inakyat ko ang ang mataas na barrier ng roof top. Hindi pa ako nakatawid sa kabilang dako ng may narinig akong malakas na tili.
"Hoy bata! Bumababa ka nga diyan!" sigaw ng isang napakaputing batang babae.. Mahaba ang kanyang itim na buhok. Kulay rosas ang kanyang mga labi na kasingkulay ng kanyang pulang bestida. Punong-puno ng pag-aalala para sa akin ang kanyang abuhing mga mata.
"Leave me alone!" Wala ng makakapigil pa sa gagawin ko. Buo na ang aking pasyang sundan sa kabilang buhay si Mama. "Stay away from me, little girl!" I had chosen death. I had prepared myself. I was contented with my decision-embraced my choice.
"Hindi kita pwedeng hayaang mamatay! Napakaraming kamatayan ang nasaksihan ko sa araw na ito. Huwag ka ng dumagdag!" Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nilahad ng batang babae ang kanyang kanang kamay. "Halika na, Kuya." Pinilit niyang inaabot ang aking kamay. "Napag-uusapan naman ang lahat ng bagay eh. Hindi naman tayo binibigyan ng problema ng Diyos kung hindi natin kaya."
Nanlaki ang kanyang mga mata nang tabigin ko ang kanyang kamay. "Hindi mo naiintindihan! Ano ba ang alam ng pakialamerang batang katulad mo?! Wala na ang Mama ko! Patay na siya! Patay na siya! Hindi siya babalik pa! Wala ng natitira para sa akin dito! Umalis ka na at pabayaan mo na ako!" Walang makakapigil pa sa akin. Hindi ako magpapapigil sa batang paslit na ito.
Nang hindi niya maabot aking kamay, hinila niya na lang ang dulo ng aking damit. Nginitian niya ako. "Hindi lang naman ikaw ang nagdurusa. Namatay ang Mommy ko ng ipinanganak niya ako. Sampung minuto na ring patay ang Daddy ko. Sabi sa akin Daddy kapag nagpakabait daw ako dito sa lupa, magkikita daw kami ulit sa langit. Magkakasama kami ulit. Kapag nagpakamatay ka ngayon, hindi mo na makikita ang Mama mo sa langit. Diretso ka na sa impiyerno. Sabi ni Daddy mainit daw doon at walang aircon at electric fan."
BINABASA MO ANG
My Twisted Fairytale : A Medical Laboratory Scientist Novel 1
Random[ONE-SHOT] Previously known as: For the First Time : A Medical Laboratory Scientist One shot TSIYWIOSSMC Round 2 : 2nd Place Do you believe in fairy tale-like happiness, the seemingly unreal beauty, perfection and luck? My mother filled my head wit...