Isang gabi, nakaupo si Miranda sa sala habang nanonood ng isang palabas nang tumunog ang telepono.
"Hello?", tanong ni Miranda ngunit walang sumagot kaya ibinaba niya ito at bumalik sa panonood ng telebisyon. Kalahating oras ang lumipas ng matapos ang palabas at nag-desisyon siyang pumasok na ng kanyang kwarto.
Nang lumagpas siya ng banyo ay may narinig syang kung ano sa loob nito. Parang may sumisigaw na tao sa loob.
"Tulong! Pakiusap tulungan niyo ako!"
Sigaw mula sa loob ang nagdulot ng matinding kaba kay Miranda. Pumunta siya sa sala upang tumawag ng pulis at dumeretso sa kusina. Kumuha siya ng malaking kutsilyo at bumalik sa banyo kung saan patuloy parin ang pagsigaw.
"TULUNGAN NIYO AKO!"
Binuksan ni Miranda ang pintuan ng banyo at halos manghalumbaba s kanyang nakita. Ang taong sumigaw kanina ay nakatali at nakabigti na ngayon sa kurtina ng banyo. Sumigaw siya at dahan-dahang tiningnan ang buong kwarto. Parang may kung anong bomba na puno ng dugo ang sumabog.
Biglang pabagsak na isinara ang pintuan at nagtayuan ang mga balahibo ni Miranda. Puno ng dugo ang likod ng pintuan. Dahan-dahan syang lumapit dito at binasa ang mensaheng nakasulat dito.
Nasa likod mo ako. O_O
BINABASA MO ANG
Wag Basahin sa Gabi
HorrorGusto ma ba ng mga nakakatakot na storya? Eto ang dapat mong basahin. Pero advise ko lang sa'yo... Wag mong basahin sa gabi.