First Love
Transferee ako. Bagong salta sa lugar na to. Kaya walang kakilala o kahit ni isang kaibigan.
Walang nagtangkang lumapit sakin. O kumausap man lang. Kaya lagi akong tahimik dahil nahihiya ako sakanila.
Pero isang araw.. Habang nakaupo ako sa cafeteria ay may lalaking lumapit sakin. Tinitigan niya ako.
Nang mailang na ako ay inangat ko ang ulo ko. Imbis na mainis ako sa taong to ay biglang parang tumalbog ang puso ko nung ngumiti siya.
Simula nung araw na yun ay lagi na kaming nagkikita sa cafeteria tuwing break. Section 2 siya samantalang section 3 lang ako.
Ang gwapo niya.. At sobrang bait pa.
Mahal ko na yata siya. Kaya ngayon Crush na ang tawag ko sakanya. Siya ang First Love ko.
First Love. Ang sinasabi nilang unang pagtibok ng puso mo para sa isang tao.
Nagkaroon ako ng iba pang kaibigan dahil close ko na daw siya. Habang tumatagal tumitindi ang pagkagusto ko sa kanya.
Hanggang sa dumating ang araw na malapit na kaming magkahiwalay.
Tinanong niya ako kung gusto ko daw bang maging apelyido ang apelyido niya.
Dahil ang tanga ko at bata pa ko mag isip nuon. Ay tinanggihan ko ang alok niya. Grade 6 pa lang kasi kami at hindi ko pa alam ang salitang mag nobyo/nobya.
Hindi ko alam na ang pagtanggi ko pala sakanya ang magiging daan sa tuluyang paghihiwalay ng landas namin.
Tanga ako nuon. OO. Dahil pinakawalan ko ang isang tulad niya.
Ngayon may sarili na siyang pamilya. At ganun din ako.
Minsan napaisip ako..
Kung siguro ba hindi ko siya tinanggihan nuon ay kami pa rin ang para sa isa't isa ngayon?
Pero napagtanto ko..
Masaya na ako sa piling ng mga anak ko at ng bago kong minamahal.
First Love never dies and True Love stays forever.
© Leonore Marie Chan