002

14 3 2
                                    


Dear Diary,

Three o'clock, diary, nagising ako! Ewan ko ba pero parang may humahaplos sa pisngi ko! Tapos hindi na ako makatulog. Parang may nakamasid! Natatakot ako huhu.

Kagat-kagat ko pa ang flashlight para mailawan itong sinusulat ko.

Hindi talaga ako makatulog, diary. Three thirty na! Huhu. Tapos ang lamig-lamig pa. Normal lang namang malamig tuwing ganitong oras, hindi ba?

Dahil 'di ako makatulog, sasabihin ko na lang kung anong meron sa lugar na 'to. Pero natatakot ako. Bahala na nga.

Dati raw subdivision ito. Hindi ko nga alam paanong tinawag na town. Basta subdivision daw 'to tapos teka may tumunog sa labas!! Gahd!

Sige, medyo nakahinga na ako. Itutuloy ko na.

Subdivision daw 'to dati tapos isa sa nakatira dito nasunugan. Then no'ng nagspread 'yong sunog, namatay lahat ng nandito. Gabi kasi no'ng nangyari 'yon. Pero okay pa naman 'yong mga bahay, medyo sira na nga lang.

Dito nga sa tinayuan namin ng tent, maayos-ayos pa. Sandali, may tumunog ulit!!

Matutulog na talaga ako. Mamatay pa ako sa takot e!

Scared,
Jess

Camp SquadWhere stories live. Discover now