Sa pagbitaw ng mga salita,
Puso ko'y napunit bigla.
Ngiti ko'y biglang nawala,
At napalitan ng mga luha.Ika'y lumayo bigla,
Iniwan mo kong nagluluksa.
Sa dahilang hindi ako ang gumawa,
Dahil hindi ako ang nangaliwa.Tinatanong kung bakit,
Ako ba ay iyo lang ginamit?
Ako ba ay kapalit-palit?
Ginawa ko naman ang lahat, pero bakit?Sa sobrang pag-iisip,
Hindi ko namalayang ako'y napapikit.
Habang ang luha'y tumatagilid,
Dahil sa sakit na dala ng lintik na pag-ibig.—PusangMiming2018