Habang ako'y nakatitig sa iyong magandang mukha
Mga mata mo'y nakapikit pero may muta.
Ilong mo'y matangos pero may lumabas na kulangot.
Bibig mo'y nakabuka at naaamoy ang mabaho mong hininga.
Pero mahal, 'wag kang mag-aalala,
Lahat ng 'yon ay tanggap ko na.
Sa tinagal tagal ba naman ng ating pagsasama,
Hindi pa ba ako nasanay sa ganyang eksena?Wala sa muta ng iyong mata,
Wala sa kulangot na lumabas sa ilong mo, sinta.
Wala sa baho ng bibig mong nakanganga,
Kundi nasa puso't ugali mo ang dahilan kung bakit kita mahal, prinsesa.